*A month later*
Isang buwan narin mahigit ang nakakalipas ngunit hindi parin nila napapaamin ang supek kung sino ba talaga ang mastermind nito. Sadyang nagmamatigas kasi ito at mukhang gugustohin pa yata nitong mamatay kaysa ang ibunyag ang lahat ng mga nalalaman nya.
Samantala, isang buwan narin mahigit na hindi nakakasama ni Nayomi ang mga kaibigan nyang sina Elcid, Drake, Jemuel at Sky dahil nga pinagbabawalan sya ni Seve at bantay sarado ito sa kanya. Yong para bang may mga galamay sya sa loob ng campus ni Nayomi kaya nalalaman agad nito kung ano ang mga pinanggagagawa ng dalaga. Hindi naman nagreklamo pa si Nayomi dun dahil ayaw narin nyang makipagtalo para iwas narin sa gulo.
===
"Sir, pwede po ba akong umuwi saamin this weekend? Namimiss ko na po kasi ang pamilya ko. At isa pa, birthday ni Nanay, gusto ko sana syang surpresahin." Pagpapaalam ni Nayomi kay Seve na ngayon ay abala sa pagtitipa sa computer nito. Nasa home office lang sila ngayon at magdidilim nadin sa labas. Tapos na kasi ang working hour nito sa opisina kaya lang may mga unfinished business pa sya kung kaya naman, sa bahay nya nalang tinapos.
"Sir? Nakikinig po ba kayo saakin? Hello? Sir?" Ilang beses narin nyang tinawag ang binata ngunit tila hindi sya nito naririnig kung kaya naman napakamot nalang sya sa batok. "Ahh basta, uuwi ako bukas." Aniya at pagkatapos ay iniwan nya na ito doon.
Kinabukasan, maagang nagising si Nayomi para maabotan nya pa ang dalawa pa nyang mga amo na sina Mr&Mrs. Walton. Kadalasan kasi nitong mga nakaraang mga araw maaga ang mga itong umaalis kaya hindi na nya ito naaabotan.
Nang matapos na syang maligo, magbihis at mag-impake ng kaunting mga damit na dadalhin nya sa pag-uwi ay dali-dali na syang lumabas sa kanyang silid at tsaka dumeretso sa workingplace area sa loob ng mansyon ng mag-asawa. Mabuti nalang at naabotan nya ang mga ito dahil paalis na sana sila pero bahagya pa silang napatigil ng makita sya.
"Nayomi, what are you doing here?" Pambungad na tanong ni Mrs. Walton sa kanya.
"Ahh good morning po! Pasensya narin kung hindi napo ako kumatok. Magpapaalam lang po sana ako na uuwi na muna saamin this weekend. Birthday po kasi ng Nanay ko. Gusto ko po sana syang surpresahin." Aniya.
"Nagpaalam kana ba kay Seve?" Sabat naman ni Mr. Walton.
"Opo sir kagabi pa, pero parang hindi nya naman ako narinig. Busy po kasi sya kagabi pero di bale, magpapaalam nalang po ako ulit ngayon." Napatango lang ang mag-asawa sa naturan nya.
"Mag-iingat ka." Ani Mrs. Walton sabay hawak ng baba nya at pagkatapos nun ay nauna na itong naglakad palabas. Maya-maya lang, sumunod narin si Mr. Walton at pagkatapos ay sumunod narin sya at tsaka sinara ang pinto.
Dumeretso na papunta sa labas ang mag-asawa samantalang sya naman dumeretso sa may elevator. Pipindotin nya na sana ang arrow up (↑) nang biglang dumating si Manang na umagaw ng attention nya.
"Oh hija saan ka pupunta?" Pambungad pa nitong tanong sa kanya.
"Pupuntahan ko lang po si sir saglit para magpaalam. Uuwi ho muna ako pero babalik rin naman ako bukas." Pagpapaliwanag nya.
"Nako, nahuli ka ng sadya sa kanya. Maaga kasi itong umalis dahil may urgent meeting daw at malayo-layo pa ang byahe." Hindi na nagulat pa si Nayomi ng marinig niya iyon mula kay Manang. Lately kasi, halos magkanda kuba na ito dahil sa hectic schedule at kung minsan ay wala na itong oras makipag-usap o kulitan sa kanya dahil sa kabusyhan kaya tuloy bigla-bigla nya itong namimiss. Magkasama nga sila pero pakiramdam nya tila ang layo nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Caregiver-Notepad
RomanceIsa lamang caregiver si Nayomi Tuazon sa isang multi billionaire bachelor na nagngangalang Severiano 'Seve' Walton na na-paralyze ng dahil sa isang malagim na aksidente. Nang dahil din sa aksidenteng iyon ay hindi na ito muling nakapagsalita pa dahi...