CHAPTER 12

73 7 0
                                    

Naiwan na namang magkasama sina Nayomi at Seve ng iwanan sila ni Ronald para balikan ang babaeng kalandian nito kanina. Magkatabi lang silang nakaupo sa malaking scarf at parehong nakasandal sa katawan ng malaking puno. Kaya lang, mas komportable talaga ang pagkakasandal ni Seve doon dahil may malaki at malambot na unan sa likod nya na syang binalikan talaga ni Nayomi sa mansyon kanina. Samantalang si Nayomi naman ay nagtitiis lang sa matigas na katawan ng puno.

"Sir," tawag pa nya dito sabay lingon sa gawi nito. Napalingon din naman ito sa kanya ng may pagtataka. "Anong pakiramdam nyo ngayon? Masaya ba kayo na dinala ko kayo dito?" May pag-uusisa pa niyang tanong.

Kaagad namang nag-iwas sa kanya ng tingin si Seve at tsaka ito nagsulat sa notepad nya.

'Thank you!'

Anito na ipinagtaka niya.
"Thank you saan?" Puno ng pagtataka niyang tanong.

'For the confidence you have to ask mom's permission para lang ipasyal ako dito.'

Bigla namang nakaramdam ng tuwa si Nayomi sa kaloob-looban nya ng mabasa niya iyon. Kasabay rin nun ang mabilis na pagtibok ng puso nya. Magsasalita na sana sya pero mas pinili nalang niya ang manahimik ng muli niyang nakitang may isinulat na naman ang binata sa notepad nito.

'Honestly, as I can recall. Sa lahat ng mga naging caregiver ko, ikaw lang ang naglakas ng loob na ilabas ako dito para lang ipasyal. No one attempted except you. Well actually, naiintindihan ko naman sila. Maybe they were afraid sa mga possible things na mangyayari in which they don't want to put my life into risk.'

Dahil dun ay bigla nalang napangiti si Nayomi.
"Ahh so sinasabi nyo na wala akong risks na kinakatakotan kaya kita nagawang ilabas, ganun?" Pamimilosopo pa niya.

'I'm not the one who said that.'

"Don't worry sir, hindi napo ito mauulit." Pabiro pa niyang sabi sabay tawa. Medyo ikinagulat naman niya ng makisabay ito ng tawa sa kanya pero syempre, hindi niya iyon pinahalata. Baka kasi mainis lang ito sa kanya.

"Sir, tignan mo yon oh (sabay turo sa mga batang masayang nagtatakbohan at naghahabolan) hindi ba ang saya nila? Naisip ko tuloy kung gaano kasarap maging bata." Aniya na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga ito. Pero kaagad namang napawi iyon ng mapalingon sya kay Seve na malungkot ang mukha. "Bakit sir? Hindi kayo agree?" Usisa pa niya na ngayon ay seryoso na ang tuno ng pananalita.

Kaagad namang binalingan ni Seve ng atensyon ang notepad nya at tsaka nagsulat doon ng isasagot nya.

'How I wish I could able to enjoy my childhood days as much as you do or the way those children do.'

Bigla namang umigting ang pagtataka sa isip nya dahil sa kanyang nabasa. "Huh? Bakit sir? Hindi nyo po ba naenjoy?" Puno ng pagtataka niyang tanong.

'Nope, never.'

"Bakit naman?"

Napansin naman niyang napahinga ito ng malalim. Bago muling nagsulat.

'Because of my strict and disciplinarian parents? They never allow me to go outside the house and play with neighbor's kids. As I can remember, they just want me to focus on my studies all the time. To read books and articles of how to run a business. That's how boring my childhood years are.'

Bigla namang nakaramdam ng lungkot si Nayomi sa mga nabasa niya mula sa notepad ng binata. Hindi kasi siya makapaniwala na sa murang edad palang nito, hinahasa na sya sa mga ganung bagay. At mas lalong hindi rin siya makapaniwala na strict and disciplinarian pala ang parents nito dahil mukhang hindi naman halata sa mga ikinikilos ng mga ito sa ngayon.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon