CHAPTER 21

131 7 0
                                    

"Nakakapagsalita ka na?" Gulat at hindi pa niya makapaniwalang tanong. "Kailan pa?"

Ngunit sa halip na sagotin sya nito ay nginitian lang sya ni Seve at tsaka napaiwas ng tingin.

"Uy sir, sumagot ka. Tinatanong kita." Naiinis na wika ni Nayomi kaya naman ay muli itong napalingon sa kanya.

"Since day one. I mean, hindi naman talaga naapektohan ang pagsasalita ko ng ganun kalala. Siguro when I was newly paralyzed I found it difficult for me to talk but as the months went by, I discovered na nakakapagsalita naman talaga ako. Hindi ko lang ginamit kasi ayoko pang gamitin." Pagpapaliwanag ni Seve gamit ang baritono nitong boses na medyo matamlay. Siguro naninibago pa ito na muling magsalita kaya ganun ang tuno nito.

Napakamot nalang sa may batok si Nayomi nang wala siyang naisip na sasabihin. Speechless kasi sya sa mga narinig nya at hindi parin makapaniwala.

Ilang minutong nabalot ng katahimikan ang silid habang hindi man lang nila inaalis ang pagkakatitig sa isa't isa. Wala naman silang naramdamang awkwardness pero mas more on pagkabigla talaga si Nayomi while si Seve naman ay mukhang nag-eenjoy pa na nakikita si Nayomi na ganun. Dahil kasi dun bigla nalang nawala ang pagkamadaldalin nito.

Maya-maya lang, bigla nalang nginitian ni Seve si Nayomi na bahagya namang ipinagtaka ng dalaga.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Sa tingin mo natutuwa ako?" Sermon pa ni Nayomi kay Seve na mas lalo namang ikinalapad ng pagkangiti nito.

"Bakit? Hindi ba?" Pang-aasar pa nito kay Nayomi habang hindi parin natatanggal sa labi nito ang malapad nitong ngiti.

"Hindi naman ho sa ganun. Eh kasi naiinis lang talaga ako eh. Pinaniwala mo kami na hindi na nakakapagsalita pero yon pala, nakakapagsalita ka naman pala. Pinapahirapan mo lang kami eh." Sermon pa ulit niya na dahilan para biglang sumeryoso ang mukha ni Seve habang deretso paring nakatitig sa kanya.

"So you're tired aren't you?" Seryoso nitong tanong na bigla nalang nagpakabog sa dibdib niya. Napalunok din sya ng malalim bago nagbigay ng sagot.

"H~hindi ah?" Matipid ngunit mabilis niyang sagot. "Ang akin lang naman po sir, eh diba gusto nyo nang gumaling? Kung totoong gusto nyo nang gumaling, ipakita nyo naman po sana ang lahat ng kaya nyo ng gawin para sa susunod, yong mga disable na parts nalang ang pagtotoonan natin ng pansin." Pagpapaliwanag pa ni Nayomi na mukhang nagdulot ng pagtatampo kay Seve. Bigla nalang kasi itong napaiwas ng tingin sa kanya sabay tingin sa kabilang gilid at hindi na sya nito kinausap pa.

"Sir wag naman po kayong ganyan. Sinasabi ko lang naman ang sa tingin ko ay tama eh. Uyyy." Pangungulit pa nya dito sabay yogyog nya sa braso nito para muli itong lumingon sa kanya. Pero talagang nagmatigas ito at hindi parin sya kinibo. "Sir namannn pansinin nyo naman ako." Patuloy pa niyang pangungulit para lang pansinin.

"Tss!" At hindi man lang ito muling lumingon sa kanya. "I don't want to talk to you. So if you don't mind, get out of my room." Ani Seve na nahihimigan parin ng pagtatampo.

"Ahh ganun? So hindi nyo na ako kailangan? Eh kung ganun naman pala ede uuwi nalang ako." Banta pa ni Nayomi sabay tayo at tsaka lakad patungo sa may pintuan. Pero bago paman siya tuloyang nakarating doon ay napatigil sya at kaagad napalingon sa gawi ni Seve ng magsalita na naman ito.

"Don't you dare." Madiin pa nitong bigkas sa mga katagang iyon.

"Why not? Diba hindi nyo na ako kailanga-" bago paman niya natapos ang kanyang gustong sabihin ay inunahan na sya nito.

"Sinabi ko ba?" Pilusopo nitong tanong. "What I said was that I don't want to talk to you and leave my room. However, I never said that I don't need you. Now, can you see the difference between the two? Magkaiba yon!" Dagdag pa nito na nahihimigan parin ng pagiging pilusopo.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon