CHAPTER 26

153 6 1
                                    

"Sir, hayaan nyo nalang. Mahuhuli rin naman yon kung sino man sya." Ani Nayomi na ngayon ay nakayakap na sa likod ng binata. Dahil dun ay napatigil nalang din si Seve at hindi nalang nagpumilit sa gusto nya.

"I can feel something's wrong here." Saad naman ni Seve habang nakatanaw sa malayo habang hinayaan nya lang si Nayomi na yakapin sya nito.

Maya-maya lang, napabitaw narin sa pagkakayakap si Nayomi sa likoran ni Seve kung kaya naman ay napalingon ito sa kanya at tinignan pa sya nito ng masama.

"Why did you set me free from hugging?" Mukhang naiinis pa nitong tanong sa kanya.

"Bakit hindi?" Pamimilosopo naman niyang tugon sa binata. "Ahh so nag-eenjoy ka naman, ganun?" Dagdag pa nya na may halong pang-aasar.

"Tssk! By the way, where's mom and dad?" Pag-iiba naman ni Seve ng paksang kanilang pinag-uusapan na ikinatawa ng malakas ni Nayomi. Kung kaya naman ay napakunot nalang ang noo nito. "What's funny?!" Iritado pa nitong tanong.

"You're avoiding the topic sir. Akala mo makakatakas ka sa'kin huh?" Aniya na pinapatuloy parin ang pang-aasar.

Ilang saglit lang ay sumeryoso narin silang dalawa ng bigla nalang dumating ang mag-asawang Walton sa kinaroroonan nila.

"What are you still doing here? Get inside the car." Bungad pa sa kanila ni Mr. Walton.

"No, we're not going to ride that one. I have a bad feeling na may aksidente na namang mangyayari once we ride that car." Argumento ni Seve na bahagya namang ipinagtaka ng mag-asawa.

"W~what do you mean?" Nagugulohang tanong ni Mrs. Walton.

"Kanina po kasi may naabotan kaming lalaking nakabonnet na nanggaling dito kaya lang tumakbo rin naman sya palayo ng makita nya kami ni sir Seve." Saad naman ni Nayomi.

Kaagad namang nagkatinginan sina Vanju at Sharon na para bang nasesense na nila kung ano ang meron.

"Stay here, I'm going to ask the hotel management for another SUV para mahatid tayo sa bahay ng ligtas." Ani Vanju at pagkatapos nun ay umalis na nga ito at muling pumasok sa loob ng gusali.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla nalang may dumating na isang kulay itim na SUV na huminto sa tapat nila at kasunod naman nun ay ang muling pagdating ni Vanju sa kinaroroonan nila.

"Let's go." Ani pa nito habang naglalakad palapit sa sasakyan.

Bumaba pa ang driver ng sasakyang iyon para pagbuksan sila at tsaka doon pa sila tuloyang sumakay sa loob. Yong drover din mismo ang nagsara ng pinto at sya ring nagdrive sa kanila pauwi.

*ONE MONTH LATER*

Umpisa na ng second semester at nakapagpaenroll narin si Nayomi. Hindi rin regular class ang kinuha nya dahil sa second sem na sya pumasok at kagaya nga ng napag-usapan nila ni Seve, hindi overloaded ang unit na kinuha nya kaya halfway lang ang klase nya.

Hinatid pa sya ni Seve sa university na papasokan nya bilang pagsuporta na sa wakas ay makakapag-aral na sya.

Tahimik lang si Nayomi sa loob ng sasakyan habang nakatanaw sa labas ng bintana. Kahit na huminto na ang kotseng sinasakyan nya dahil dumating na sila sa labas ng campus ay nanatili parin sya sa loob at hindi parin lumalabas na bahagya namang ipinagtaka ni Seve na syang nagmamaneho ng sasakyan kanina.

"Are you nervous?" Pambasag sa katahimikang tanong ni Seve kay Nayomi kung kaya naman ay kaagad nya itong nilingon.

"Medyo." Matipid pa niyang tugon habang deretsong nakatitig sa mga mata nito.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon