CHAPTER 28

150 5 1
                                    

Nakaisip na ng paraan si Bianca kung papaano sya makakatakas sa pagkakakulong ng daddy nya sa kanya. Alam nya kasing hindi sya basta-bastang papakawalan nito kaya kailangang hindi nito mahalata na may binabalak pala syang masama. Syempre, para magawa nya ng maayos ang plano nya, kinakailangan nya munang kunin ang loob ng ama nya para mas madali nya itong mauto.

"I have to talk to him first. I will make them believe na pumapayag na ako sa gusto nilang mangyari-ang maikasal kay Lucas. Then there, I'll plan my escape." Wika pa nya na para bang may kausap syang iba pero ang totoo, sarili nya lang talaga ang kinakausap nya. Alam nya kasi na wala na syang ibang mapagkakatiwalaan ngayon kundi ang sarili nya.

Maya-maya lang, naputol sya sa pag-iisip ng bigla nalang bumukas ang pinto ng silid nya. Kaagad namang tumambad doon ang isa nilang kasambahay na may dala-dalang tray na naglalaman ng mga pagkain.

"This is it." Sambit pa nya habang nakatitig sa katulong na naglalakad papasok ng silid nya.

Nang mailapag na nito ang mga pagkain sa side table ay kaagad naman itong napalingon sa gawi nya.

"May kailangan po ba kayo ma'am?" Tanong pa nito sa kanya.

"I want you to call dad. Tell him gusto ko syang makausap."

Kaagad naman itong napatango. "Masusunod po." At pagkatapos nun ay naglakad na nga ito palabas ng kanyang silid. Pero syempre, alam nyang ni-lock na naman nito ang pinto dahil dinig na dinig nya pa ang mga susi kahit nasa labas na ito.

Muli ay mag-isa na naman si Bianca sa silid nya habang nakahiga sa kama at hindi man lang binalingan ng attention ang mga pagkain na inihain sa kanya. Ang tanging gusto nya nalang kasi ngayon ay ang makausap ang daddy nya na syang tanging susi ng kanyang paglaya.

Ilang saglit lang, nakita naman nyang muli na namang bumukas ang pinto at sa pagkakataong ito ay ang daddy nya na nga ang tumambad sa harap nya kaya naman ay kaagad syang bumangon at napaupo nalang sa kama.

"What do you want? Sabihin muna dahil may clients pa ako." Deretsahan nitong bungad sa kanya na para bang wala itong pakialam sa sasabihin nya at mukhang napilitan lang itong pumunta doon para sa katahimikan nya.

"I want to pursue the wedding." Deretsahan nya ding sagot na bahagya pang ikinagulat ng daddy nya.

Pero alam nyang matalino ang daddy nya at hindi nya ito basta-bastang mauuto kaya pagtinanong pa sya nito, kailangan maghanda sya ng kongkretong maisasagot.

"And what makes you change your mind?" Kagaya nga ng inaasahan nya, mukhang nagdududa at hindi ito naniniwala sa kanya.

"Sa ngayon alam kong mas lamang ng kaunti si Lucas kay Seve. Mas angat ang kompanya nito compared sa ex ko dahil two years din itong nawala sa business industry and I know hindi agad-agad sya makakabangon. Now my point here is, gusto ko syang gantihan sa pagreject nya sa'kin and for choosing someone else instead of me. Gusto ko syang pabagsakin using the wealth and popularity of Lucas para makita nya kung anong klaseng babae ang tinalikuran nya at para magsisi sya, nang sa ganun, madepress sya at maging suicidal. At kapag nangyari yon, mawawala na sya sa landas natin, sa buhay ko at sa buhay ng mga taong mahal nya. Diba yon din naman ang gusto nyo? Ang pabagsakin ang pamilya nila?" Pagsasalaysay pa ni Bianca gamit ang napakaseryoso nyang mukha. Syempre, hindi nya talaga gagawin yon. Sinabi lang naman nya yon para paniwalain ito ng sa ganun, hindi na sya mahirapan sa mga susunod na gagawin nya at sa planong gusto nya talagang mangyari. Syempre, magiging matagumpay lang naman ang mga plano nya kapag wala na ang sagabal kaya ngayon palang titirisin nya na ito.

Nakita naman ni Bianca na biglang napapalakpak sa tuwa ang daddy nya dahil sa mga narinig nito.

"Finally, finally, nag-iisip kanarin. You don't know how happy I am to hear that from you. Finally sweetheart, you've grown and became matured enough. I'm so glad about that." Nakangiti pa nitong tugon at komento sa sinabi nya.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon