"Eh hindi naman po natin kailangang sabihin eh."
"Ang alin?" Sabay na napalingon sina Seve at Nayomi sa may pintuan kung saan nanggagaling ang isang pamilyar na boses at laking gulat nalang din nila ng makita na si Mrs. Walton pala iyon na nakatayo lang at mukhang seryosong nakatingin saamin. Mas lalo pang umigting ang kaba na naramdaman niyang isira nito ang pinto at lumapit sa kinaroroonan nila. "Yong naligo kayo sa ulan?" Bigla nalang na wika nito habang naka-cross arms na naglalakad palapit sa kanila.
Nagkatinginan pa sina Nayomi at Seve ng marinig ang mga katagang iyon kay Mrs. Walton. Hindi kasi nila inaasahang naririnig nila iyon mula sa ginang. At nagtataka rin sila kung papaano nito nalaman ang tungkol doon.
"You know what? There's no need for you to hide about that from me. Hindi naman ako magagalit eh. Kung magagalit man ako, maybe when I found out that you're keeping something from me." Wika pa nito na bahagyang ikinaluwag ng dibdib nila Seve at Nayomi.
"Sorry po talaga ma'am. Ako po kasi yong nagsimula." Nakayuko pang saad ni Nayomi.
"Nayomi, I wanted to talk to you. I'll be waiting out. Sumunod ka nalang." Pagkatapos at pagkatapos sabihin ni Mrs. Walton iyon ay muli na namang binalot ng takot at kaba si Nayomi. Baka kasi papagalitan sya nito na ayaw nitong gawin sa harap ng anak nya.
Nauna nang lumabas si Mrs. Walton mula sa silid na iyon, habang si Nayomi naman ay bahagya pang napalingon at napatitig kay Seve na ngayon ay nakatitig din sa kanya. Pero panandalian lang naman iyon dahil tumayo na sya at naglakad palabas ng kwarto. Pagkalabas at pagkalabas palang ni Nayomi sa silid ay nakita nya na kaagad si Mrs. Walton sa may di kalayoan habang matyagang naghihintay sa kanya. Kaagad nya naman itong nilapitan kahit paman kinakabahan pa siya sa kung ano ang sasabihin nito.
"Ma'am, s~sorry po talag-" hindi na niya natapos ang sasabihin nya ng sininyasan sya nito na tumahimik kaya tumahimik nalang din sya.
Naka-cross arms lang si Mrs. Walton habang seryoso na nakatingin sa kanya na mas lalong nagpaigting ng kaba niya.
"You don't have to be sorry Nayomi. Well actually, I am impress." Halos lumuwa na ang kanyang mga mata ng marinig ang mga katagang iyon sa amo nya na hindi nya talaga inaasahang marinig. "But little bit I'm scared na baka magkasakit sya. Alam mo naman na ngayon lang ulit yon nakakalabas ng bahay diba? I'm just afraid na baka hindi ma-take ng katawan nya ang biglaang pagbabago sa kanya." Dagdag pa nito.
"Ano po ang ibig nyong sabihin?" Usisa naman niya na mukhang walang alam sa tinutukoy nito.
"You know what? From the past two years, kanina ko lang ulit sya nakita na sumaya ng ganun, habang naliligo kayo sa ulan. Hindi ko nga lubos maisip na ulan lang pala ulit ang magpapasaya sa kanya eh. If I could wish to rain everyday just to make him happy, gagawin ko. Kaya lang natatakot din ako na baka hindi nya makayanan. You know naman that his body is not as strong as the previous one diba?" Pagsasalaysay pa nito.
"Oo nga po eh. Pero wag po kayong mag-alala ma'am, sisiguradohin ko pong hindi sya magkakasakit. Syempre, responsibilidad ko ang alagaan sya kaya sisiguradohin kong maayos ang kalagayan nya."
"Mm, I trusted you enough at naniniwala naman akong magagawa mo ang bagay na yon." Anito.
Napangiti nalang si Nayomi sa sinabi nito. Pero kaagad din namang napawi iyon ng bigla nalang may sumagi sa isip nya.
"Ahh ma'am, sa tingin ko po malapit ko ng makuha ang kiliti nya. Mukhang nararamdaman kona na ilang sandali nalang lalambot narin sya sa'kin. Ano po sa tingin nyo?" Syempre kinapalan nya nalang ang mukha nyang sabihin ang bagay na yon.
Bigla namang natawa si Mrs. Walton sa sinabi nya na nagpangiti lang din sa kanya. "I like the confidence huh?" Pabiro pa nitong sabi. "But yeah, real soon. Just keep doing things right and everything will follow." Payo pa nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Caregiver-Notepad
RomansaIsa lamang caregiver si Nayomi Tuazon sa isang multi billionaire bachelor na nagngangalang Severiano 'Seve' Walton na na-paralyze ng dahil sa isang malagim na aksidente. Nang dahil din sa aksidenteng iyon ay hindi na ito muling nakapagsalita pa dahi...