CHAPTER 31

315 17 11
                                    

"I love you, Nayomi, matagal na."

Halos lumuwa na ang mga mata ni Nayomi ng marinig nya ang mga katagang iyon sa bibig ng amo nya. Hindi nya kasi inaasahan iyon at hindi rin sya makapaniwala na ganun ang sasabihin nito. Ngunit sa kabilang banda, hindi nya rin maipagkakaila na medyo kinilig sya ng marinig nya ang mga katagang iyon mula sa bibig ng amo nya. Pero syempre, hindi nya iyon pinahalata.

"Hey! Naririnig mo ba ako?" Medyo may pagkainis pang saad ni Seve ng hindi man lang sumagot si Nayomi sa sinabi nya. "Ang sabi ko~" ngunit bago paman natapos ni Seve ang gusto nyang sabihin ay inunahan na sya ng dalaga.

"Kung ganun, bakit hindi natin idaan sa tamang proseso? Ligawan mo'ko." Aniya.

"Wrong answer!" Tugon naman ni Seve na ngayon ay abot na ang dalawang kilay at sobrang kunot na ang noo.

"Makukuha mo rin ang tamang sagot sir in the right time." Dahil dun ay sa wakas, pinakawalan narin sya ng binata at doon palang sya nakahinga ng maluwag. Kanina kasi nagpipigil sya ng hininga dahil sa sobrang takot ang panginginig ng kanyang katawan. Naisip nya kasi na baka kung ano ang gawin nito sa kanya pero mabuti nalang dahil wala naman itong ginawang masama.

"Okay." Matipid na sambit ng binata at pagkatapos nun ay nauna pa itong pumasok sa loob ng bahay na para bang wala lang nangyari. Habang si Nayomi naman, naiwan sa labas ng nakatunganga at hindi parin makagalaw sa kinatatayoan nya.

===

Sa wakas ay nakabalik narin ang dalawa sa hapagkainan kung saan naghihintay ang nanay at tatay ni Nayomi na hanggang ngayon ay kumakain parin doon.

"Oh, bakit ngayon lang kayo? Hindi nyo ba alam na masamang pinaghihintay ang pagkain?" Bungad pa sa kanila ng nanay ni Nayomi.

"Sorry po nay." Ani Nayomi na ngayon ay nakaupo na sa tabi ng nanay nya.

"Oh ano, nakapag-usap na ba kayo ng maayos?" Tanong naman ng tatay nya.

"Yes, tay and we're fine now. Right Nayomi?" Mabilis namang tugon ni Seve sabay kindat sa dalaga.

"A~ahh o~opo." Tugon nalang niya na hindi alam kung bakit nga ba sya nauutal. Aminado din syang medyo naiilang sya sa mga ikinikilos ng binata pero ang hindi nya maintindihan kung bakit parang gusto nya naman ito.

"Mabuti naman kung ganun." Ani ng tatay nya at tsaka nagpatuloy nang kumain.

"Ahh nay, tay, nasa'n nga pala si kuya?" Pag-iiba naman ni Nayomi sa paksa para mawala ang awkwardness sa pagitan nila ni Seve.

"Nasa bahay nina Loisa. Doon na kasi sila tumira magmula noong nalaman ng mga magulang ng ate Loisa mo na nabuntis sya ng kuya mo." Tugon naman ng nanay.

"Kamusta naman po sya dun?"

"Ayon, ayos lang naman. Pinagsasabay nya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Gusto nya kasi talagang makapagtapos nang sa ganun, mas madali nalang sa kanyang pumasok sa magandang trabaho at para din daw maging proud ka sa kanya." Pagsasalaysay pa ng nanay. "Sya nga pala anak, patawarin mo na kasi ang kuya mo. Hindi rin naman madali ang pinagdadaanan nya ngayon tapos dadagdag ka pa na may sama ng loob sa kanya. Magpatawaran na kasi kayo."

Hindi na nakasagot pa si Nayomi dahil hindi rin naman nya alam kung ano ang sasabihin kaya mas pinili nalang nya ang manahimik.

Maya-maya lang ay nagsalita narin sya ng mapansin nyang wala na ngang ni isa sa kanila ang nagsalita.

"Sya yong may kasalanan nay kaya sya ang dapat unang lumapit." Pagmamatigas pa ni Nayomi.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon