CHAPTER 16

109 7 0
                                    

CHAPTER 16

10 na ng gabi pero hindi parin makatulog si Nayomi. Kapag kasi sinusubokan nyang ipikit ang mga mata nya, mukha agad ni Seve ang kanyang nakikita. Kaya naman, nagpaikot-ikot nalang sya sa kama nya para hanapin kung sa anong posisyon sya magiging komportable ng sa ganun ay tuloyan na syang makatulog. Ngunit nakakailang palit na sya ng posisyon nya sa paghiga ay hindi parin sya makatulog. Hindi kasi talaga sya dinadalaw ng antok.

"Ahh diyos ko po. Patulogin nyo na ako. Kailangan ko pang magising ng maaga bukas." Pagmamakaawa nalang niyang sabi sa may kapal habang naka-prayer position pa ang kanyang mga kamay. Pero kahit ganun paman ay hindi parin sya pinagbigyan sa kanyang kahilingan, kaya naman, naisipan nalang niyang bumangon mula sa higaan nya at tsaka tahimik na lumabas sa kwarto nya. Nang makalabas na sya mula doon ay napatingin-tingin pa sya sa paligid pero tahimik na ang buong mansyon at wala ng niisang taong gumagala-gala pa sa sala. Nakapatay narin ang mga ilaw sa ibang parte ng mansyon maliban nalang sa sala na kung saan na sya naglalakad ngayon. Automatic kasi talagang magtu-turn on ang mga ilaw sa lugar kung saan may tao pa at utomatiko rin itong mamamatay kapag wala na.

Habang naglalakad si Nayomi sa malawak na sala ay kaagad naman niyang tinungo ang hagdan paakyat sa ikalawa at ikatlong palapag ng bahay. Tinahak niya iyon at dumeretso sa ikatlong palapag kung saan naroroon ang silid ni Seve. Nang makarating na sya sa harap ng pintuan ng silid ay nagdadalawang isip pa syang buksan ito. Bagay na hindi niya maintindihan dahil usually naman, deretso lang nya itong binubuksan.

Napahinga muna ng malalim si Nayomi at tsaka marahan niyang inilagay ang kanyang isang kamay sa doorknob at marahan itong pinihit. Kasunod nun ay ang marahan ding pagbukas ng pinto. Sa maliit na awang ng pinto ay sinubokan ni Nayomi na sumilip dito ngunit hindi niya aakalaing sa pagsilip nyang iyon ay magugulantang siya.

Nakita nya kasi mula sa loob ang isang pamilyar na babaeng may mahabang buhok na nakatalikod mula sa kinaroroonan nya ngunit nakaharap naman ito sa kinaroroonan ni Seve at kinakausap pa niya ito.

Hindi muna sumugod sa loob si Nayomi at nakinig muna sya sa mga pinagsasabi ng babae na sa tingin niya ay si Bianca. Dahil din dun, bahagya siyang nagtaka kung papaano ito nakapasok sa silid.

"I'm really sorry if I left without saying goodbye. Alam ko na nasaktan talaga kita dahil dun. Sorry din kung akala mong kaya kita iniwan dahil naparalisa ka. Actually, hindi naman talaga ganun yon." Paghingi pa nito ng tawad kay Seve. Nakatayo lang ito habang si Seve naman at deretsong nakatingin kay Bianca na nagsasalita. "I know you felt so betrayed dahil best friend mo pa ang pinalit ko sayo. But I just want you to know that no one could ever replace you inside my heart. Ikaw lang ang lalaking minahal ko higit pa sa buhay ko Sev that's why I'm here, asking an apology to the person I loved and hurt the most." Pagpapatuloy pa nito. Matapos nyang sabihin ang bagay na iyon ay marahan syang naglakad palapit sa kama ni Seve at umupo doon ng hindi man lang humihingi ng permiso mula sa binata. Habang si Seve naman ay deretso paring nakatitig sa mga mata ni Bianca ng wala man lang kahit anong reaksyon.

Napahinga pa ng malalim si Bianca bago muling nagsalita.
"Alam mo, nagdadalawang isip tuloy ako kung papakasalan ko ba si Lucas. Yes, I love him but not as much as I love you. Actually, napilitan lang naman akong umoo sa marriage proposal nya e, kasi nandun ang parents nya at ang parents ko. Syempre ayoko rin syang mapahiya." Pagsasalaysay pa ni Bianca.

Matapos marinig ni Seve ang mga bagay na iyon kay Bianca ay inabot niya ang notepad nya na nasa tabi nya lang at tsaka nagsulat doon.

'Why are you telling this all to me? Deretsohin mo ko.'

Matapos naman iyong mabasa ni Bianca ay napayuko nalang sya. Hindi nya na kasi kaya pang salubongin ang mga titig nito sa kanya.

"Because I want to end my relationship with Lucas." Walang paligoy-ligoy nyang sagot.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon