CHAPTER 29

191 7 0
                                    

"Bastos ka." Madiin na sambit ni Nayomi na may halong inis kay Seve na ngayon ay pinagtatawanan lang sya at inaasar.

Nasa home office sila ni Seve ngayon para sana taposin nila ang mga bagay na hindi pa nila natapos kanina pero tila yata hindi sila makapag-concentrate dahil narin sa pang-iinis ni Seve kay Nayomi. Magkatapat lang kasi sila ng upuan kaya makikita at makikita talaga ni Nayomi ang mga pinanggagagawa nito.

"Hindi nyo po ba talaga ako titigilan?" Tanong pa niya dito na ngayon ay pikon na pikon na. Nagpipigil lang naman sya para iwas gulo.

"Bakit? Ano bang ginagawa ko sayo?" Nakangiti pa nitong tanong. Yong ngiting nakakaloko.

"Yan! Yang ganyan!" At hindi na nga sya nakapagpigil pa dahil sumabog na nga sya sa galit. Pero si Seve? Ayon, tudo parin sa pang-aasar.

"What?" Kunyari hindi pa nito alam ang tinutukoy nya habang nagpipigil ng tawa. Kaya naman dahil sa inis ay nasapak nya na nga ito ngunit sa halip na mainis din ito sa kanya ay napabulaslas lang ito ng tawa sabay takbo palayo.

"Tigilan muna yang kakatawa mo pwede?!" Pasigaw nyang saad ngunit tila wala parin itong narinig kaya naman napahawak na lamang siya sa ulo nya habang napapailing.

Kinabukasan, maagang nagising si Nayomi at maaga rin syang pumunta sa unibersidad na pinapasokan nya. Hindi narin nya hinintay si Seve para sumabay dito dahil naiinis parin sya sa binata. At iniiwasan nya rin ito dahil baka patuloy lang sya nitong asarin.

Mag-isa lang syang naglalakad sa hallway papunta sa classroom nya para sa first period ngayong umaga ng makasalubong nya sina Elcid, Drake, Jemuel at Sky.

"Uy Nayomi." Bungad pa ni Jemuel sa kanya kaya naman nginitian nya nalang ito.

"Kamusta na nga pala yong boyfriend mong selos na selos kahapon?" Nakangiti namang tanong ni Drake sa kanya na mukhang nang-aasar pa.

"May boyfriend ka pala? Wow! And why did he got jealous?" Gulat at hindi pa makapaniwalang tanong ni Elcid sa kanya.

Napahinga nalang ng malalim si Nayomi bago nagbigay ng sagot. "Hay nako. Pwede ba wag nalang natin syang pag-usapan? Umiinit ang ulo ko." Medyo naiinis pang sabi ni Nayomi at tsaka nauna na rin syang naglakad paalis at dumeretso na nga sa classroom na pupuntahan nya.

===

Kakagising lang ni Seve at kakatapos nya lang din maligo at magbihis kaya naman, dali-dali na syang bumaba habang dala-dala naman nya ang briefcase na naglalaman ng mga kakailanganin nya sa trabaho.

Kakarating nya lang sa baba ng salubongin sya ni Manang Estela na may dala-dalang isang tasa na naglalaman ng kape na inabot pa nito sa kanya. Kaagad nya naman itong tinanggap at tsaka ininom at pagkatapos ay napahinto muna sya at napatingin sa matanda.

"Manang, si Nayomi?" Tanong pa niya dito.

"Maagang umalis eh. Mukhang nagmamadali ata." Tugon naman ni Manang na bahagyang gumulat at nagpainit ng ulo nya. Dahil dun, sa halip na ubosin nya ang kape ay muli nya nalang itong ibinigay sa matanda at pagkatapos ay tuloy-tuloy na syang naglakad palabas ng bahay ng hindi man lang lumilingon kay manang kahit paulit-ulit pa syang tinatawag nito dahil sa kapeng hindi nya naubos.

Nasa kalagitnaan ng byahe na sya ng mapagpasyahan niyang sa halip na dumeretso sa workplace nya ay pupuntahan nya muna si Nayomi para makausap ito. Para matanong nya ito kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi man lang ito nagpaalam sa kanya na mauuna ito at hindi man lang sya nito hinintay.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon