CHAPTER 7

58 6 0
                                    

Isang lingo narin ang nakakaraan matapos ang pangyayaring iyon. At laking pasasalamat naman ni Nayomi dahil nakaisang lingo narin sya sa pananatili doon kahit pa hindi ganun kadali ang trabaho nya lalo pa't sinusungitan parin sya ng cold hearted nyang boss na si Seve. Matapos kasi ng pangyayaring iyon ay mas lalo pa itong naging masungit at mas lumala pa ito dahil hindi na talaga ito namamansin sa kanya. Mabuti nalang nga ay kahit papaano ay kumakain naman ito kapag pinapakain at umiinom ng gamot kapag pinapainom pero meron talagang mga pagkakataon na tumitigas ang ulo at puso nito na kahit anong gawin niyang pakiusap ay hindi nito pinapakinggan. Kung minsan pa nga ay binabato sya nito ng unan at kung anu-ano pang mga bagay na nahahawakan nito para lang umalis sya roon. Pero dahil matapang ang lola ninyo at hindi basta-basta sumusuko ay nanindigan parin sya doon.

Kagaya ng dati, hindi parin nakakatayo ng mag-isa si Seve. Hindi parin nito maigalaw ang kahit na anong bahagi ng katawan nya maliban sa kanyang kamay, ulo, bibig at mga mata. Kahit paman sinabi ng doktor na may improvements na ito ay hindi parin nila nakikita iyon. Dahil din sa sinabi ni Dr. Manuel na e-massage ito o tulongan sa pag-eexercise para muling masanay ang katawan nito ay hindi parin iyon magawa ni Nayomi ng maayos dahil sa tuwing lumalapit sya dito ay itinataboy lang sya nito. At kapag kinukulit nya naman ito ay bigla-bigla nalang itong nagwawala kaya hindi nya nalang pinipilit.

===

Kasalukoyan na ngayong pinupunasan ng pasang towel si Seve dahil hindi nga ito makakaligo dahil nagkasakit bigla si kuya Ronald. May lagnat kasi ito kaya pinagpahinga nalang muna sya hanggang sa gumaling sya, kaya no choice si Nayomi kundi ang punasan ang binata.

Tulog si Seve habang ginagawa nya iyon. Sinadya nya talagang punasan ito ng tulog para hindi sya mahirapang gawin iyon dahil kapag gising ito habang ginagawa nya ang bagay na yon ay baka paalisin lang sya nito at baka magwala na naman.

Pansin lang ni Nayomi na matapos ang insidenteng iyon noong nakaraang lingo ay mas lalo pa yatang naging agresibo si Seve na magwala at masisisigaw kahit na hindi naman nila maintindihan ang mga sinasabi nito. Naisip nalang din niya na baka talagang nakaapekto ang nakita nya noon na picture sa sitwasyon nya ngayon. Kung kaya naman, kinuha nalang muna ni Mrs. Walton ang iPad nito para maiwasan nitong gamitin iyon dahil maging ang mga magulang nito ay natatakot rin sa posibleng mangyari kapag naulit pa ulit iyon.

Dahil din dun, unti-unti nang naliliwanagan si Nayomi kung sino nga ba talaga si Bianca sa buhay ni Seve. Si Bianca ay ang ex-girlfriend ng kanyang amo na ngayon ay ikakasal na sa isang lalaki. Ngunit hindi parin niya lubos na maintindihan kung ano ang kwento sa likod ng lahat ng iyon. Gusto man niyang malaman ngunit wala naman siyang mapagtanongan kaya hindi nalang din sya nag-usisa.

===

Natapos ng punasan ni Nayomi si Seve at nabihisan nya narin ito nang maramdaman niya ang paggalaw nito hanggang sa nagdilat na nga ito ng mga mata.

"Good morning sir!" Masigla at nakangiti pa niyang bati dito pero kinunutan lang sya nito ng noo sabay iwas ng tingin. Sungit diba? "Ahh sir, gusto nyo bang gumala sa labas? Tara, salubongin natin yong araw." Pag-aaya pa ni Nayomi. Laking gulat naman niya ng muling napatingin sa kanya ang binata at parang nakita nya sa mga mata nito ang glow na para bang gusto rin nitong gawin ang bagay na iyon. Kung minsan talaga napapakisamahan sya pero madalas, tinutupak talaga kaya iniintindi nalang iyon ni Nayomi. Minsan din kasi may mga bagay silang napagkakasundoan at doon sila nagkakalapit ng walang halong pagsusungit.

"Umm wait lang sir ah? Kukunin ko muna yong wheelchair nyo. Mabilis namang kinuha ni Nayomi ang wheelchair ni Seve at dinala niya iyon sa gilid ng kama nito. Pero bigla nalang napakamot si Nayomi ng maalala niyang wala pala si kuya Ronald para tulongan syang buhatin si Seve paupo sa wheelchair na iyon. Patay, hindi pwedeng hindi matuloy iyon dahil tiyak magagalit talaga sa kanya si Seve. Ang pinakaayaw pa naman nito yong niyayaya sya tapos hindi naman pala matutuloy.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon