42

391 22 0
                                    

CHAPTERS 42




I felt like I am just dreaming.




A bad dream that I couldn't escape from. All I could hear is the sobs of the people I love best and all I could feel is the pain.




Akala ko noon ay natanggap ko na pero bakit napakahirap na naman ng sitwasyon ngayon? Ang dami kong nasasaktan at napapahirapan.




Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at mariin akong napapikit para alalahanin ang lahat. There I was, crying while begging Demon to let me go until I collapsed. I already said it to him, finally.




Pakiramdam ko ay nakalaya ako sa pagtatago ng lahat nang 'yon. Nakahinga ako nang maluwag pero mas lalo akong nasaktan.




Nakita ko si Demon na natutulog sa gilid ko habang nakahawak sa kamay ko. Alam kong mahirap at masakit para sa kaniya. Alam kong hindi magiging madali para sa kaniya, para sa amin, pero alam kong lalaban siya, lalaban ako, lalaban kami.




Mapait akong napangiti habang pinapalis ang luha sa pisngi ni Demon. He fell asleep while crying and it brokes my heart. I held his cheek and caress it with my thumb to make him feel at least at ease.




I even heard the noise from outside and I'm sure na ang mga kaibigan namin 'yon. Napalingon ako sa gilid na may mga aparatos na naka kabit sa akin kaya tipid akong napangiti. Ginagamot na ako.




“Love...” I glanced at Demon nang tawagin niya ako at parang sinaksak ang puso ko nang mabasag ang boses niya at bakas na bakas ang sakit doon.




“I'm sorry,” I cupped his face kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. “I'm sorry for all the pain I have caused. I'm sorry if you need to go through all of this because of me.”




“Shh. I love you, okay? Wala kang kasalanan, Love.” He kissed the top of my head. “Nandito na ako. Hindi mo na kailangan mag-isa, hindi mo na kailangang sarilihin ang sakit, Love. Hatian mo ako, nandito lang ako.”




“Are you mad?” I asked him habang ibinabaon ang mukha ko sa dibdib niya at mahigpit na yakap niya ako.





“No. I'm not mad, Love,” He let out a heavy sigh bago mas hinigpitan ang yakap sa akin. “Kung galit man ako, sa sarili ko 'yon. Galit ako dahil wala akong nagawa. Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kitang solohin ang lahat ng hirap at sakit. Galit ako sa sarili ko dahil sa lahat ng gabi na umiiyak at nahihirapan ka, wala ako sa tabi mo. Galit ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay ang dami kong pagkukulang—”




“Love..” I shushed his mouth using my index to cut him off. “It's my choice. Wala kang kasalanan dahil hindi mo alam na sa simpleng makita lang kita at sabihin mo sa akin kung gaano mo ako kamahal, binibigyan mo ako ng isang milyong dahilan para lumaban. Sa simpleng paghawak mo sa kamay ko, milyong pag-asa, Love. Sa simpleng paghalik mo sa noo ko, milyong luha ang napunasan mo. Kaya 'wag mong sabihin na nagkulang ka dahil hindi.”




I held his hand and placed it to my chest. “Those heartbeats, it were the hope you have been given me. Dahil sa totoo lang, sa'yo ako nakasandal. Sa'yo ako nakakapit at nagpapahinga. Kung wala ka, baka wala na din ako ngayon.”




“Can y-you please do me a f-favor, Love?” tanong niya sa pinakamasakit na paraan habang tumutulo ang luha.




“Uh huh?”




The Demon's Princess (BAND SERIES 1)Where stories live. Discover now