CHAPTER 44
“There's someone na under na ng compatibility test for you donor, nak.”
I just gave my Mom a nod as I let out a heavy sighed. It was a week since I broke up with Demon. Pakiramdam ko ay mas lalong lumala ang sakit ko dahil naging doble lahat para sa akin.
Seconds, minutes, hours, days and life without Demon is suffering for me. I used to be with him all the time and it was just hard to wake up with the idea of I don't have him anymore.
“Hindi daw pwede ireschedule ang chemo mo, anak. The doctor said na mas mabuti na sumunod sa schedule para mamonitor ang epekto sa katawan mo.” Mom added habang inaayos ang mga gamit ko.
“You need to start gaining strength and energy dahil umaasa kami ng Dad mo na positive na ang result ng test para sa donor—”
“Can we just stop, Mom?” Napapikit ako nang mariin kasabay nang pagtulo ng mga luha ko. “Pagod na pagod na po ako.”
Hinayaan kong umiiyak ang sarili ko dahil hindi ko na kayang itago lahat ng sakit at kimkimin lahat ng bigat sa dibdib ko.
Everything was just too much for me to take. Pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa na gumaling. I'm already bald, thin and pale. I don't look the same anymore. I don't feel the same anymore. Tanggap ko na. Tanggap ko na lahat na may mga gusto ako na hindi gusto ng Panginoon para sa akin.
“Gusto ko na po mag-pahinga, Mom. Hirap na hirap na po ako,” I cried more habang nakatingin sa mga bituin. “I want to be one of them.”
“Anak...”
“How does it feels when you're one of the stars?” tanong ko. “You're shinning, you're glowing, you're giving hope and light to everyone. You're beautiful in the dark. You're not alone and it feels so special when someone have you.”
“Don't talk like that, Anak. You're shining and glowing in your own unique way. You're giving us hope and light. You're not alone because you have us. You have your friends and mostly, you have God. You're special because you're strong. Hindi lahat ng tao kayang maging matatag sa kabila nang lahat ng pinagdadaanan mo, Anak. 'Wag mong sabihin ang mga bagay na 'yan dahil you're more that what you think you are.” Mom hugged me from my back at tumingin din sa mga bituin habang pinupunasan ang mga luha niya.
“Mom... bakit po ganito kahirap? Hindi ko na po siguro deserve ang lahat nang ito. Naging mabuti ako, tapat at nagtiwala pero bakit ganito?” I hugged myself when I could feel the cold touch of air on my skin from the window.
“Naniniwala ka ba na kumikilos ang Panginoon sa buhay mo?” tanong ni Mom at hinawakan ang kamay ko.
Dahan-dahan akong tumango at nag-iwas ng tingin.
“Mag-tiwala ka lang, anak. Magtiwala ka sa plano niya sa buhay mo, magtiwala ka sa himala niya at magtiwala ka sa pananampalataya mo. Kasi ako, anak, naniniwala ako na gagaling ka. Naniniwala ako na malalampasan mo 'yan dahil meron tayong Diyos sa gitna natin,” seryosong sambit ni Mom at niyakap ako nang mahigpit.
“Hindi pwedeng kami lang ang lalaban at naniniwala na gagaling ka. Kailangan mong tulungan ang sarili mo. Kailangan mong magtiwala sa sarili mo dahil alam mong gagaling ka. Hindi ka bibigyan ni Lord ng pagsubok kung alam niyang hindi mo kayang lampasan.”
“I'm sorry kung naging mahina ako. I'm sorry kung mabulag ako sa gitna ng pagsubok. I'm sorry kung sumuko ako at I'm sorry dahil tanggap ko na po. Kung saan at ano ang plinano sa akin ni Lord, mawala man ako o gumaling, tatanggapin ko dahil alam ko sa sarili ko na kailan man ay hindi ako magdududa sa pananampalataya ko.” I hugged my Mom also at ibinaon ang mukha ko sa balikat niya para magpahinga.
YOU ARE READING
The Demon's Princess (BAND SERIES 1)
Ficção AdolescenteI am Heaven Emerald Gozon, the epitome of beauty, grace and talent. I am living in a perfect life with perfect people around me including the five populars that turned my whole life up-side down. I am a transferee and he's a heartthrob. I am soft an...