CHAPTER 45
SKY'S POV
"Are you ready?"
Napalingon ako kay Andrew nang tapikin niya ang balikat ko mula sa likod. "Kung gusto mo daw palitan 'yung key—"
"I'm good," sagot ko at tinalikuran na sila pero hindi pa ako nakakalayo nang mapahinto ako sa tanong ni Mark.
"How's Emy, Sky?" He asked. "Galing ka daw sa ospital sabi ni Alice."
"Hindi ako nagpunta do'n." I cut him off. "Kayo ang nagpunta kahapon ah? Bakit ako ang tinatanong niyo?"
Tumalikod na ako at umalis. Hindi ko na pinansin ang mga nakakasalubong ko dahil pakiramdam ko ay nasasaktan ako lalo kapag naaalala ko kung paano niya nanghihinang banggitin ang pangalan ko kanina. She's in pain.
Aaminin ko na umaasa ako na baka pupunta siya dito to surprise me and still support me pero nagagalit ako sa sarili ko dahil para na akong tanga na umaasa lalo na sa kabila ng kondisyon niya.
Nasaktan ako sa ginawa niya at nasasaktan pa din ako dahil gano'n naging kadali ang lahat para bitawan ako at mas pinakinggan niya ang ibang tao kesa sa akin. Nasasaktan ako pero hindi ako nagagalit. She's Emerald and God's know my love for her is always above my ego, pride and anger. She's above everything.
Isang sabi niya lang na mahal pa niya ako, babalik at babalik ako sa kaniya na parang walang nangyari. Handa kong kalimutan ang sakit dahil gano'n ko siya kamahal.
"We're about to start in five, Sky." I give the event organizer a nod at inayos ang collar ko. Napabuntong-hinga na lang ako para ikalma ang sarili ko.
No matter how hard I tried to keep myself okay with the idea of she's not around in my concert for the first time was still a torture for me. "Gusto mo bang ipatanggal ang poster niyo ni Emy from fans? I heard—"
"No." I answered. Kahit sa gano'ng paraan man lang, maramdaman ko siya.
The event got started at kahit anong pilit kong maging masaya, patay pa din ako sa loob ko. Hindi ko kayang maging masaya habang nag-sa-suffer si Alien, but still, I want to prove her na hindi siya hadlang sa pangarap ko. Na hindi ko siya bibiguin. Para akong sinasakal sa sitwasyon ko.
After several songs, I went backstage to prepare for my last song for this night. I choose that song to send comfort to Alien dahil sa mga oras na to, she's recovering from her chemo at gusto kong maabot siya ng kantang 'to.
When I was about to head in the hallway nang napahinto ako dahil nadinig kong nag-uusap ang Premium mula sa likod.

YOU ARE READING
The Demon's Princess (BAND SERIES 1)
Teen FictionI am Heaven Emerald Gozon, the epitome of beauty, grace and talent. I am living in a perfect life with perfect people around me including the five populars that turned my whole life up-side down. I am a transferee and he's a heartthrob. I am soft an...