CHAPTER 36
“Ano kayang nakain mo at nagustuhan mo mag-jogging? May appointment ka?”
I was busy fixing my shoe lace habang tawa nang tawa si Marcus sa tabi ko. It's 4 in the morning and he woke me up just to have a morning jog.
“Wala lang. Kailangan ba kapag napagustong mag-jogging may dahilan?” He rolled his eyes habang nagsscroll sa phone ko. “Ano kayang feeling nang maging isang Emerald? Bukas pa birthday mo pero mas mukhang excited pa sa'yo ang mga fans mo!”
“Hindi ko din alam. Testing mo kaya mag-challenge o vlog content ng being Heaven Emerald for a day.” I rolled my eyes at tumayo na. “Bakit pala hindi mo sinama ang Premium?”
“Kailangan ba kasama sila?” natatawang tanong niya. “Gusto din kaya kita ma-solo, 'no! Lagi na lang si Sky, e!”
“Hayaan mo kapag nagka-girlfriend ka, baka hindi mo na din ako masamahan!” nginisian ko siya habang naglalakad palabas ng bahay.
“Sus! Selos ka naman?” sabay tawa niya at hinila ang buhok ko. “Best friend over girl friend. Alam kong iiwan din nila ako pero ikaw, hindi. Depende pala kapag ipinaggawa ako ng reviewer for finals—”
“Edi sana naghanap ka ng tutor hindi girlfriend!” I rolled my eyes for the nth time ngayong umaga habang tumatakbo.
He laughed. “Pwede namang girlfriend na tutor pa!”
“Kaya ka iniiwan, e!” I teased him dahil wala na kaming ginawa kundi tumawa nang tumawa dahil sa kalokohan ni Marcus. I'm really wondering kung bakit wala siyang girlfriend when he's a complete package.
Imagine, you have a sweet and caring boyfriend. A band member, singer and basketball player. He also has a humor and intelligence. Madami namang na-lilink na babae sa kaniya sa showbiz but he's not interested.
“Umamin ka nga, Marcus! May non-shobiz girlfriend ka 'no!?” I glared on him kaya bigla siyang napatigil sa pagtakbo.
“Wala, ah!” agap niya at nag-iwas ng tingin.
“Bakit wala kang girlfriend?” I asked again while crossing my arms over my chest.
“Hindi ba pwedeng takot sa commitment? Enjoying my life? Saving money? O iwas stress o gastos? Judgerist ka, ha!” sabay irap niya kaya natawa ako.
“Sige, sabi mo, e!” I smirked dahil I could feel na he's lying. Maybe he's not yet ready to talk about it.
“Hinahanap ka sa church kahapon!” He suddenly changed the topic kaya mas lalo akong napangisi. “Kami lang ni Shin ang sumimba.”
“Pupunta sana ako kaso hindi ako makaalis sa party kahapon. It's rude naman if you're not present on your own party kaya!”
“Sabagay.” Bigla siyang napatigil sa pagtakbo at lumuhod sa harap ko para ayusin ang sintas ng sapatos ko. “Para kasing bata!”
“What if kayo pala ni Shin, 'no? Napapansin ko lately lagi kayong magkasama tapos lagi kang nasa East at may na-lilink na babae sa'yo do'n. Taga East si Shin, 'di ba—”
“Hoy! Edi nabugbog ako ni Sky? Alam no'n mga kalokohan ko tapos liligawan ko kambal niya? Mapapaaga pagpunta ko sa langit!” He bit his lower lip at nag-iwas ng tingin. “Isa pa, hindi ko tipo ang katulad ni Shin. Masyadong masungit at maarte! Tapos napakadaldal at laitera. Meron pa 'yung side na napaka-war freak!”
YOU ARE READING
The Demon's Princess (BAND SERIES 1)
Fiksi RemajaI am Heaven Emerald Gozon, the epitome of beauty, grace and talent. I am living in a perfect life with perfect people around me including the five populars that turned my whole life up-side down. I am a transferee and he's a heartthrob. I am soft an...