CHAPTER 46
SKY'S POV
"Anak, sure ka ba na hindi ka pupunta sa ospital? We're leaving now."
I played the glass of tequila in my hand habang tulalang nakatingin sa labas ng bintana, not paying any of my attention to Mom.
"It's been a week simula nung huli kang pumunta sa ospital. Ayaw mo bang malaman ang kalagayan ni Emy—"
"Anong kalagayan? Critical pa din. Nothing change." I grinned. "I used to it, Mom. This is lame."
"Anak—"
"Mom!" I cute her off. "Do you expect me na pupunta do'n like nothing happened? Mag-babantay sa tabi niya at hahawakan ang mga kamay niya na parang walang nangyari? Kasi Mom, everytime I see her in that kind of state, hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko. If I just... If I just did something, maybe hindi siya nasa gano'ng kalagayan."
"Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo, Anak. Walang may gusto sa nangyari kay Emy. Alam kong kung gising siya, hindi niya magugustuhan ang ginagawa mo.” Hinawakan ni Mom ang kamay ko para kuhanin ang bote ng alak kaya dahan-dahan akong napayuko at ramdam na ramdam ko na naman ang mga luhang kanina pa gusto tumulo.
"Ako ang may gusto na sisihin ko ang sarili ko, Ma," Marahas kong pinalis ang luha ko habang mariing nakatingin sa kaniya. "Kasi ang sakit na wala akong magawa. Kahit sa ganitong paraan man lang makalimutan ko ang sakit, kahit pananandalian lang kasi hindi ko kaya, Mom. Hindi ko siya kayang tingnan nang nasa gano'ng kalagayan."
"Kailangan ka niya, Lander. Kailangan ka ni Emy na nasa tabi niya. She needs you to be strong."
Napa-iling na lang ako tumalikod na. Isang linggo na ang nakakalipas simula nung huli akong pumunta sa ospital. Wala akong mukhang maiihaharap kay Alien at sa pamilya niya. 'Yung mga kaibigan namin, nagka-watak watak na at pakiramdam ko ay kasalanan kong lahat.
Ayokong makarinig nang kahit anong balita tungkol sa kalagayan ni Alien dahil hindi ko alam kung ano pang kaya kong gawin.
Tumalikod na din ako sa ideyang nandiya pa si Lord para sa akin dahil para saan pa? Tinalikuran niya na din ako. Hindi ko kayang mag-lingkod at mag-patuloy sa kaniya kung puno nang galit at tanong ang puso ko.
Sa tuwing maalala ko o sasagi sa isip ko ang itsura ni Alien na nag-aagaw buhay sa bisig ko, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Na sa tuwing maiisip ko na maaring hindi na siya magising, pinapatay ako.
I know she's strong dahil sa aming dalawa, ako lang naman talaga ang mahina pero hindi ko kayang iisipin na maaring sa isang iglap o isang umaga, mawala siya akin nang hindi ko man lang naipaparamdam o nasasabi kung gaano ko siya kamahal.
Pakiramdam ko, ang tadhan na mismo ang may ayaw sa amin para sa isa't-isa. Na kahit gaano kayo katatag kung ang mundo na mismo ang nag-lalayo sa inyo sa isa't-isa, guguho at guguho kayo.
Gusto kong magalit. Gusto kong magalit sa sitwasyon.
Napakuyom ang kamao ko habang pinapanood na lumabas ng kwarto si Mom. Accidentally, nakita ko ang picture frame namin ni Alien sa bed side table ko kaya napapikit ako nang mariin.
"You don't deserve any of this," bulong ko.
Minsan naiisip ko na kung naging mabuti tao ba ako, naging matulungin at palaging inuuna ang iba kesa sa sarili ko katulad ni Alien, paparusahan ba ako nang ganito?
![](https://img.wattpad.com/cover/228316349-288-k722355.jpg)
YOU ARE READING
The Demon's Princess (BAND SERIES 1)
Подростковая литератураI am Heaven Emerald Gozon, the epitome of beauty, grace and talent. I am living in a perfect life with perfect people around me including the five populars that turned my whole life up-side down. I am a transferee and he's a heartthrob. I am soft an...