CHAPTER 43
“Her body wasn't cooperating.”
My heart beated so fast when I heard the Doctor and my parents talking. I pretended that I'm asleep habang nakikinig. I could even feel the hot tears on the side of my eyes at ang paninikip ng dibdib ko.
“In a year of treatment, there's no improvement. Simula pa lang, sinabi ko na sa inyo na masama ang maidudulot ng chemo sa katawan niya dahil maari nitong patayin ang mga normal cell and now, I'm afraid that the more we wait for the donor, the less hope we have for Emerald's condition. I'm sorry.”
Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at pinilit na ngumiti. I even tried my best to look happy and excited for the news kahit na sobrang sakit at bigat na ng nararamdaman ko.
“How's my condition, Doc?” tanong ko pa.
“Uhm—Actually kasasabi lang ni Doc na bumubuti na ang lagay mo,” Mom said at hinawakan ang kamay ni Dad.
Dad sighed. “We're close to find your donor, sweetie.”
“Really?” I sounded excited kaya nakangiting tumango sa akin si Mom and Dad. “Where's Demon, by the way?”
“He's out for a schedule daw sa studio pero babalik daw siya before your schedule sa chemo.” Tumango na lang ako kay Mom and nag-iwas ng tingin.
“Mom, Dad, I heard it.” I said, smiling na siyang ikinagulat nila. “I'm hopeless.”
“Anak—”
“Tanggap ko na po, Dad. Simula pa lang alam ko na pwedeng dumating sa ganito. Handa po ako kaya gusto ko din na maging handa kayo.” Nag-iwas ako ng tingin nang tumulo ang mga luha sa mata ko.
Nakakapagod ng umiyak dahil sa tuwing gigising ako, pag-iyak at pag-iyak na lang ang nagagawa ko. Napapagod din ako kaya siguro unti-unti ko na ding natatanggap. Ang hirap lumaban sa sitwasyon na alam mong simula pa lang talo ka na.
“Hindi! Gagaling ka, anak. Mag-tiwala lang tayo. Makakahanap tayo ng donor mo sa lalong madaling panahon.” Nagpapanic na sabi ni Mom habang umiiyak. “Anak naman, hindi pwedeng ganito lang.”
“I'm matched.” Parehas kami ni Mom na napatingin kay Dad na halatang nagulat sa sinabi niya. “Nagpatest ako ng compatibility to become your donor—”
“No, Dad!” sigaw ko. “Ako na lang ang mamatay kung ikaw lang din naman ang magiging donor ko. Hindi ako papayag!”
“Listen, Emy.” He cupped my face habang patuloy sa paglandas ang mga luha ko. “Bata ka pa. You still have your dreams with you. You still have a bright future ahead of you, unlike me. Naabot ko na ang mga pangarap ko, anak. At bilang ama, gagawin ko ang lahat 'wag ka lang mahirapan. You're my life. At kahit papiliin ako sa'yo at sa buhay ko, ikaw ang pipiliin ko.”
![](https://img.wattpad.com/cover/228316349-288-k722355.jpg)
YOU ARE READING
The Demon's Princess (BAND SERIES 1)
Teen FictionI am Heaven Emerald Gozon, the epitome of beauty, grace and talent. I am living in a perfect life with perfect people around me including the five populars that turned my whole life up-side down. I am a transferee and he's a heartthrob. I am soft an...