Chapter 10

12 12 0
                                    

Quinn's Pov

"Mam nandito na po tayo".anang boses ng driver ng taxi na sinakyan ko  simula ng sumakay ako ay lumipad na kung saan man yung isip ko,kaya naman nuon palang bumalik sa realidad ang utak ko..


Matapos kung magbayad ay bumaba ako sa isang private cemetery.Parang ang tagal kung hindi nakadalaw dito pero kung tutuusin galing lang ako dito last month.

Agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng hapong yun,sobrang tahimik ng paligid at tanging huni na lang ng ibon ang naririnig ko.

Mahigpit kung hinawakan ang kumpol ng mga bulaklak na pinasadya ko pa sa isang flower shop sa loob ng mall.

Dahan dahan akong naglakad sa kinaruruonan niya.

Kapag ganitong hindi ako makapag isip ay dito ako madalas pumunta.


Ilang saglit pa ay agad ko namang nakita ang kinalalagakan niya.


"Papa"mahina kung sambit sabay lapag ng bulaklak sa harap nito..


"It's been a while kumusta kana dyan?alam kung masaya kana dyan kung nasan ka man ngayon, alam kung nakikita mo lahat ng nangyayare sa kin ngayon.

"Wala akong kakampi,inaaway na naman nila ako papa gusto kung magalit pero alam ko naman na may mali ako.Masakit sa kin na kahit ngayon lang sana nakuha ko yung simpatya ng asawa mo pero hindi e pinahiya niya ko kanina pinahiya niya ko sa harap nila at nagsimula na ngang mag unahang tumulo ang luha ko.

Flashback**

Naririnig ko ang ingay sa paligid ko maging ang labas pasok ng mga tao sa pintong yun.

Bahagya kung idinilat ang mga mata ko pero walang nakapansin sa kin,iginala ko ang mga mata ko sa paligid at tanging puting kwarto lang ang nakikita ko at mga doctor at nurse na pumaparuon at dito.


"Nasan ako?"

Bahagya kung iginala ang paningin ko sa kanang parte kung saan nandun sila papuntang lahat..

Time of death 06:00 p.m narinig ko pang sabi nung lalakeng doctor.Iginala ko ang mga mata ko at tumingin sa isang bilog na pulang wall clock na nakasabit sa pader banda sa may paanan ko.

Isa isang nag alisan ang mga doctor dun,kaya naman bahagya akong pumikit para di nila ako mapansin na gising na..

Nakita kung umiiyak yung babae marahil ay siya ang ina nung batang babae na hindi naman nalalayo sa kin ang edad.

Nakita ko siyang nasasaksakan ng mga tubo sa katawan,at marahil may malala siyang karamdaman kaya hindi na niya kinaya pa.


Hindi ko masyadong maaninag yung babaeng umiiyak dahil nakatagilid ito sa kin habang nakayakap sa asawa niya na patuloy na hinahagod ang likod nito..

"Quintana anak ko"anang babae

Gusto kung gumalaw pero pakiramdam ko namamanhid ang binti at sobrang sakit naman ng paa ko,maging ang likod ko ay ganun din..


Bahagya kung kinapa ang ulo ko,at dun ko lang napagtanto na nakabenta yun.At talaga naman sobrang sakit nun at hindi ko mawari kung san nanggagaling,hanggang sa magdilim ang paningin ko at tuluyan akong nilamon ng kadiliman.

Nung magkamalay ako,ay nandun na ang buong pamilya ko at lahat sila ay nakatunghay sa kin.


Mababakas ang pag alala sa mga mukha nila habang nakatunghay sa kin..


"Run To You" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon