Chapter 37

2 0 0
                                    

Yuriko's Pov

Ilang beses ko pang kinusot ang mga mata ko at pinakatitigan ko itong mabuti.At baka dinadaya ako ng aking paningin pero hindi nga s'ya imagination ko lang.

"Tama ba itong nakikita ko?!"

>_<

Napagpasyahan kung maagang pumasok dahil sa event ngayong araw at laking pasasalamat ko dahil nakatagpo ako ng bagong kaybigan sa katauhan ni Elise Madrigal.Simula kasi ng mawala si Quinn ay walang araw na hindi pumupunta dito si Elise yung bestfriend ni Quinn na galing sa North High.Malaki ang pagkaka iba ng ugali nila Quinn at Elise dahil kung anong ingay ni Elise s'ya namang ikinatahimik ni Quinn.Kung kaylangan duon ko lamang ito naririnig na nagsasalita.Pero hindi pahuhuli si Quinn,dahil kahit ilang linggo pa lamang kamo nagkakilala hindi naman n'ya ako itinuring na iba.Sa katunayan napaka over protective ni Quinn sa akin,napaka swerte nilang dalawa sa isa't isa.Hindi man sila ipinanganak na magkadugo ngunit talo pa nila ang tunay na magkapatid kung magturingan.

Hindi pa ako tuluyang nakapasok sa loob ng classroom ay s'ya agad ang napansin ko.Dahil unang una kung sinusulyapan ang pwesto nito sa t'wing papasok ako araw araw.

"Quinn?"mahinang bulong ko sa pangalan nito.

Agad akong pinangiliran ng luha ng makita ito.At may kung anong kasiyahan akong naramdaman sa kaibutiran ng puso ko.

"Hoy Yuriko para kang tanga dyan na nakatulala!"puna sa akin ng bagong dating kong ka klase na si Crissa habang panay nguya nito ng bubble gum.

"Ha?ano kasi naiwan ko yung sketchbook ko sa locker"palusot ko dito at pasimple kung binawi ang tingin ko sa pwesto ni Quinn.

"No need naman na at isa pa wala tayong lesson ngayon,s'ya nga pala pumasok na si Quinn.Sana hindi mo muna pinapasok mukhang hindi pa s'ya okay"halos pabulong na sabi nito sa akin.

"Pa-paano mo naman nasabing hindi s'ya okay Crissa?"usisa ko dito.

"Mukhang may iniindang masakit yang si Quinn hindi lang nagsasabi.Dinig ko kanina nahulog s'ya sa hagdan bago pumasok dito."

"Ano!!?pe-pero paanong nahulog!!?"mulagat na tanong ko dito at napapahiyang napayuko ng mapansin kung pinanlakihan ako ng mata nito.

"Mukhang punching bag of the year yata ngayon yang si Quinn,bet na bet ng mga kapatid mo na i-bully.I don't think so kung matatagalan n'ya ang delubyong taon n'ya dito."iiling iling na sabi ni Crissa sa akin.

Nakaramdam ako ng habag para kay Quinn ngunit wala naman akong magawa para tulungan ito.Sa kagustuhan ko na wag ng palalain pa ang gulo sa pagitan nila ng kapatid ko kaya pinakiusapan ko s'ya na wag ng patulan.

"Alam mo Yuriko,kung ako ang nasa kalagayan ni Quinn kasedohang magrumble kami dito masiguro ko lang na ubos ang buhok n'yang kapatid mo bago mag uwian.Aba eh wala silang karapatan na manakit ng kapwa nila lalo na't wala silang magandang na ambag sa buhay ko."

"Wala silang karapatan na manakit ng kapwa nila lalo na't wala silang magandang ambag sa buhay ko!!"

"Wala silang karapatan na manakot ng kapwa nila lalo na't wala silang magandang na ambag sa buhay ko"

Parang sirang plaka na paulit ulit na naririnig ko ang mga sinabing iyon ni Crissa sa akin.Tila nakaramdam ako ng hiya sa narinig ko buhat dito.

"Mali nga ba yung ginawa ko?mali nga ba na hinayaan ko silang saktan na lang ng ganun si Quinn?"Pero ginawa ko lang iyon upang hindi na lumala pa yung gulo sa pagitan nila."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

&quot;Run To You&quot; (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon