Chapter 36

2 0 1
                                    

Elise Pov

Dalawang araw na ang nakakalipas pero ni anino ni Quinn ay di ko na nakita pa.Walang nakaka alam kung nasan ito sa totoo lang nag aalala na talaga ako sa kanya.Upon checking sa cctv ay lumabas ito ng campus ngunit hanggang duon na lamang ang nakita namin.Tila ba may nakita itong di kanais nais dahil sa pag aalangan nito.Hindi man lang nahagip ng kuha kung may dumampot ba dito o ano.Pero imposibleng kasing hindi ito manlaban kung sakali mang may kumidnap dito.Napapangiwi na lang ako dahil naaawa ako sa kung sino man ang gagawa nuon sa kanya.Mabuti na lang at walang masyadong lesson nitong mga nakaraang araw.Napapadalas ang pagpunta ko sa building ni Quinn upang makibalita kay Yuriko,ngunit tulad nito ay wala din itong makuhang impormasyon.Walang sinuman sa amin ang nakaka alam ng kinalalagyan ni Quinn.Kung nasa maayos maayos ba itong kalagayan?Sa mga nagdaang araw ay para bang biglang nagbago ang lahat ng nasa paligid ko, ako itong tudo remind kay Quinn na iwasan sila pero heto gustuhin ko man na layuan sila ay mukhang malabo na iyong mangyari pa.Sa nangyaring pagkawala ni Quinn ay ito pa ang naging dahilan kung bakit palagian ko na silang nakakasama sa ngayon.Wala naman akong nakikitang masama sa bagay na iyon bukod dun unti unti kung nakilala ang bawat isa sa kanila.Ilang beses na rin akong kating kati na tawagan ang foster mom n'ya.

Tawagan ko na kaya si Tita Azura?eh..ano namang sasabihin ko nawawala yung anak n'ya?Isipin ko palang na stress ako na ko.Baka isipin nitong pinabayaan ko si Quinn!!Damn what should i do?

Saktong pababa na ko ng kotse ko ng matigilan ako ng mamataan ang pamilyar na sasakyan na iyon.

Teka tama ba 'tong nakikita ko?bahagya ko pang kinusot ang mga mata ko at muling tumanaw sa gawi nito.Mula kasi dito sa kinalalagyan ko ay abot tanaw ko ang kinatatayuan nito.

Eris?

0____0?

Anong ginagawa n'ya dito?Sinasabi ko na nga ba namimiss n'ya na ko eh!!napangisi pa ko sa naisip.

Tama magpapatulong ako sa kanya sa paghahanap kay Quinn.

Isinukbit ko sa balikat ang bag ko at excited na sana akong lapitan s'ya ng mapagtanto kung may iba pa pala itong kasama bukod sa kanya.Kaya naman huminto na lamang ako at di na lang tumuloy.

Blanko ang ekspresyon ng mukha nito at panay tango lang ang sagot nito sa sinasabi ng kausap n'ya.

Sino ang mga iyon?pabulong kung tanong sa sarili habang tahimik na nakamasid sa mga ito.

Mga naka black tuxedo ang mga ito at mukhang hindi basta bastang tao lamang.

Body guard?huh
Napapailing na lamang ako sa naiisip ko.

Agad kung hinagilap ang cellphone ko at dali daling dinial tinawagan si Sierra.Walang ibang magkakasagot sa mga katanungan ko kundi si Sierra nakatatlong ring muna ito bago nito sinagot.

"Run To You" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon