Claine's Pov
"Hoy bro!gising dyan!"ani Travis habang niyuyugyog ang braso ko.
Agad naman akong napabalikwas ng mapagtantong nakatulog pala ako,at nagpalinga linga pa ko sa paligid.At napansin kong kami na lang ni Travis ang narito ngayon sa kabuuan ng room.
Where are they?uwian na ba?
"Na-nasan na yung mga tao dito?mulagat na tanong ko dito.
"Nasa disneyland na silang lahat bro!"tatawa tawa pang sabi nito.
Agad nag init ang ulo ko ng marinig ang sagot nito sa kin.
Sabi nga nila magbiro kana sa lasing wag lang sa walang kain na bagong gising!Nakatulog pala ako.
Marahil ay napansin nito ang biglang pananahimik ko kaya dali dali din ito sumeryoso sabay tikhim na akala mo ay uubuhin
-_-
"Relax bro,hindi pa naman uwian lumabas lang sila vacant ngayon remember alas dos palang ng hapon".natatawa naman nitong sagot sa akin.
Agad namang sumama ang mukha ko sa narinig at sinamaan agad s'ya ng tingin.
Sira ulo din ito minsan e' bigwasan ko kaya 'to.
Ngali ngali ko na ngang banatan 'to eh kala ko pa naman uwian na.
"Oh eh bakit mo ko ginising?pwede ba bro hayaan mo muna akong matulog dahil puyat ako" inis na sabi ko dito at umakto ulit na babalik sa pagtulog pero---
"Sandali bro,may kaylangan talaga ako sayo kung bakit ako nandito ngayon"alanganing sabi pa nito at talaga namang halos yakapin pa ko.
Nakakadiri talaga ang isang 'to
Agad akong pumiksi dahil sa ginawa nito at bahagyang dumistansya sa kanya.Ngingisi ngisi pa ito ng makita ang ginawa ko at talaga naman kahit samaan ko s'ya ng tingin balewala lang sa kanya.Ng bigla bigla itong mapatampal sa sariling noo ng bigla yatang may naalala.
"Naknampucha---- naman muntik ko ng makalimutan ang dahilan kong bakit nga pala ako nandito ngayon,someone wants to talk to you bro nasa tambayan s'ya."tuloy tuloy na sabi nito.
Agad agad na nag isang linya ang kilay ko dahil sa narinig.Wala akong maalala na may appointment ako ngayon.
At sino naman ang tinutukoy nito sa kin?Hindi kaya yung boksingerang babae na tinalo pa si pacman kung makasuntok?baka naman magsosorry na s'ya sa ginawa n'yang pananapak sa akin?Napangisi na lang ako sa naisip ko.Pero hindi ko pinahalata sa kaharap ko ang excitement na nararamdaman ko. Teka bakit kaylangang sa tambayan pa s'ya pumunta pwede naman dito na lang sa classroom!?Hindi kaya.....nahihiya s'ya sa akin?Ini imagine ko palang ang mukha n'ya kong paano s'ya mag sosorry sa kin ay natatawa na ko.S'ya lang ang nangahas na manakit sa kin!!!hmmm..mapanakit na babae nakaismid na sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
"Run To You" (On-Going)
Teen Fiction"Meeting them was the biggest mistake she encountered on her entire life ganon malimit ang sinasabi niya. Kung bakit naman kasi nahuli pa yung warning sa kanya ng matalik niyang kaybigan na si Elise Madrigal bago niya nalaman iyon.Kung kelan lahat s...