Chapter 27

2 0 0
                                    


Viona's Pov

"Kelan ang kasal ninyo ni Franklin,Viona?"ma awtoridad na tanong sa akin ng ama ko.

"3 months from now dad marami pa kami inaayos ni Frank na mga papeles at busy pa kami pareho"nakangiting tugon ko sa ama.

"Aba'y kaylangan mong maikasal sa kanya sa lalong madaling panahon bakit di mo paikliin ang buwan ng preparasyon ng kasal?!"seryosong tanong nito.

"Pàpa wala kang dapat ipag alala dahil naayon ang lahat sa plano ko simula umpisa,matagal ko ng nabura sa landas ko si Savannah na s'yang sagabal sa pagmamahalan namin ni Frank.At ang anak n'yang babae na s'yang magiging tagapagmana ng posisyon n'ya sa Triad."nakangising tugon ko nito sa ama.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak sa plano mong yan!dahil mawawala lahat ng pinaghirapan natin mula umpisa,nahanap mo na ba ang pinapahanap ko sayo!?"

"Hindi pa pàpa wag kang mag alala hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang mga galamay ni Savannah!!sila ang mga pesteng isusunod ko sa libingan ni Savannah!!"galit na sabi ko dito.

"Nakakasiguro ka bang bangkay nga ni Savannah ang bangkay na nagtagpuan mo?!o baka naman ibang tao ang nailibing n'yo!?patuyang tanong ng ama ko sa akin.

Bahagya akong natigilan sa sinabi nito sa akin ngunit nakabawi din naman agad kalaunan,agad naman akong nakaramdam ng inis dito.

"Of course pàpa sila ngang mag ina iyon, kaya nga wala kayong dapat ipag alala pa.Yung dalawang tapat n'yang galamay ang hindi ko pa mahagilap kung nasaang impyerno nagtago.At kapag dumating sa punto na mahuli ko sila sisiguraduhin kung isasama ko sila sa libingan ni Savannah".nanggigigil pa na sabi nito.

"Ngayon mo sa kin patunayan na mas magaling ka pa rin sa akin Savannah!?Nabawi ko na ang mga bagay na dapat sa akin simula umpisa palang.

Flashback**

"Viona may naghahanap sayo sa labas,naku sigurado akong matutuwa ka pag nakita mo s'ya"kinikilig na sabi pa ng kaklase kong si Cela.

"Sino naman naghanap sa akin aber!?"mataray na tanong ko dito habang nagliligpit ng gamit sa bag.Nandito kami ngayon sa music room kung saan ginaganap kadalasan ang music lesson namin.Hindi kagaya ng tipikal na classroom lang ang meeon kami.Malawak ito at may malaking grand piano sa gitna,at ang mga upuan namin ay nakapalibot duon.

"Hay naku ang dami mong tanong tumayo buti pa tumayo kana dyan at nag aantay yung tao sa labas.Alam mo bang masamang pinaghihintay ang bisita!?"naka irap na sabi nito sa akin sabay hila nito sa kamay ko at sapilitan akong itinayo,sabay tulak nito palabas sa akin.

"Ano ka ba Cela!"saway ko dito dahil halos mapasubsob na ko sa kakatulak nito.

At ng marating ko ang labas ay ganon na lang ang gulat ko ng mabungaran ko ang gwapong mukha ni Franklin Bianchi.Isa si Franklin o Frank sa mga kilalang binata ng batch namin,half italian kasi ito kaya naman ganon na lang ang itsura nito.Likas na mabait ito at talaga namang habulin ito ng mga babae at isa lamang akonsa mga babae na nangangarap na mapansin n'ya.

"Run To You" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon