Chapter 11

15 11 0
                                    

Quinn's Pov

North High

1 month later

Dumating na yung vacation namin or sem-break kung tawagin nila yun na siguro yung pinakahihintay ng lahat maliban siguro sa kin.

Parang tanga ko silang tinitingnan isa isa habang abala ang bawat isang estudyante na hindi na magkamayaw sa paghila ng mga maleta nila.Habang isa isa silang  lumalabas sa gate na malaki na yun at sinusundo ng kani kanilang mga magulang.Bakas sa mukha ng bawat isa ang excitement samantalang ako,kung ordinaryong tao ka lang masasabi mong masaya ako dahil sem break na naman pero kabaliktaran nun ang pakiramdam ko.

"Quinn?"anang boses papalapit sa kin' mababakas na masayang masaya din ito dahil sem break na naman.

"Naayos muna yung gamit mo Elise?"masiglang tanong ko dito at ngitian ng natural na ngiti..

Paminsan minsan kelangan mo ding magpanggap na masaya sa mata ng iba para wag silang mag alala

"Tapos na kagabi pa,naunang na umalis si Sierra may sumundo sa kanyang gwapo"tatawa tawa pang balita nito sa kin.

Bahagyang napakunot ang noo ko sa narinig.

"Gwapo?"inulit ko pa yung sinabi niya.

Tatawa tawa naman naman itong tumango.

"May boyfriend na si Sierra?"salubong kilay na tanong ko dito..

"Cousin nya daw bet ko pa naman"pagkasabi nito'y binuntutan pa ng tawang parang kinikiliti.

"Sayang nga eh hindi ka namin naipakilala hindi ka namin mahagilap e.."

Kaya naman kinaltukan ko sya.

"Aray naman Quinn,"reklamo pa nito sabay nguso.

"Umayos ka nga tsk.."

-____-

"Grabe ka naman alam mo kung nandun ka sana ipapakilala ka namin e since wala ka si Eris at ako lang,pero malay mo magawi sya dito o ikaw yung magawi sa kanya by destiny haha"biro pa nito na hindi naman ako natawa

-,-

Aktong kakaltukan ko na to ng dumating si Eris.

Agad naman itong nagtago sa likod nito at animo'y bata na nagsusumbong. -,-

Agad naman itong hinawakan ni Eris sa magkabilang pisngi sabay sabing...

"Kawawa naman ang baby namin"sabay nguso nito na parang nakikisimpatya sa kanya.

Napa cross arm na lang ako sa dalawa nasa harap ko sabay irap.

"Nandyan na yung mommy mo sa baba at tawag kana sabay kurot nito sa ilong kaya naman napasigaw ito.

"Aissshhhh,nakakainis ka talaga Eris!!!!"dadabog dabog pa ito..

"Pero kahit ganyan kayo mamimiss ko kayo"sabay yakap nito ng mahigpit sa ming dalawa.

Bahagya akong napangiti sa sinabi ni Elise.

At ng binatawan nya na kami pareho,humarap ito sa kin at hinawakan ang dalawa kung kamay..

"Ikaw Ms.Quinn,dahil bakasyon ngayon iimbitahan kita na samahan ako sa pagbabakasyon ko",nakangiti pa nitong sabi.

"Agad namang nawala ang paskil na ngiti sa mga labi ko at saglit na napasulyap kay Eris.Nakita kung naging seryoso na rin ang mukha nito at walang balak magsalita..

"Run To You" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon