Jenna's Pov
Pasuray suray akong naglakad sa hallway ng school namin.
Ngayon nga pala natapos yung competition namin sa Japan
Halos pinagtitinginan na ko ng mga estudyante at ang iba naman ay nagbubulungan,pero wala dun ang atensyon ko at wala akong pakealam sa mga sasabihin nila.
Pero wala na akong pakealam sapo ko ang balikat na tinamaan ng kanyang latigo at ramdam ko din ang kirot ng sugat ko sa kaliwang balikat medyo sariwa pa yun.Mabuti na lang at itim ang suot kung damit kaya hindi kita ang dugo nun na ang iba ay natuyo na.
May pasa din ako sa gilid ng labi ko at parang magkakapira piraso ang buto ko sa sakit ng katawan,hindi ko na alam kung ilang beses akong tumilapon sa bawat hampas niya sa kin ng nakakamatay niyang latigo.
Isa siyang demonyong sira ulo...
Hindi ako halos makapaniwala sa nasaksihan at nalaman ko,ang buong akala ko na madalian kung makukuha sa kanya ang langit ng tagumpay ay impyerno pala ang kinabagsakan..
Gusto ko silang sigawan lahat pero wala na kung boses na maisisigaw pa.
Naubos na kakasigaw ko dun sa loob ng arena.Oo inaamin ko simula't sapul inggit na inggit ako sa kanya,walang iba kundi kay Quinn Harris.
Anak sya ng assistant ni mommy ang mommy ko na isang director.
She is a top famous student here in North High,lahat ng atensyon nasa kanya na,she can sing she dance i saw her one time at masasabi kung hindi yun basta basta lang na first time na lagi nyang sinasabi at sa boses naman nya na mala anghel sabi pa ng mga kaklase ko, at aminin ko man sa hindi meron sa loob ko na humanga din naman ako sa kanya. Kahit sino nagugustuhan sya kahit hindi pa sya nakikita.Imagine boses palang ang naririnig nila ganun sya ka attractive.
Pareho din kami ng lalake na nagugustuhan,si Raven pero dahil sa babaeng yan umalis si Raven dito sa North High i don't know the reason behind.Pero malakas ang kutob ko may kinalaman sya dun kaya naman mas lalo akong galit sa kanya.
Kaya nga galit na galit lalo ako sa kanya,nawala ang lalakeng pinakamamahal ko dahil sa kanya.Nag transfer lang naman sa ibang school si Raven at hindi man lang nagpaalam sa kin,wala na syang tinira sa kin inagaw nya na ang lahat lahat.
Magaling din sya mag gitara magaling sya sa martial arts pero may alam akong bagay na hindi nya kayang gawin yun ang pagpipinta.
At yung mismong mommy nya pa ang nagsabi....
Kahit masama ang ugali nya sa kin at madalas kaming magkasagutan,hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto sya ng lahat.Di ba nila nakikita yung ugali nyang basura.!!
Ilang trophies na din ang naiiuwi nya sa twing merong paligsahan sa ibang bansa.
Kaliwa't kanang papuri sa kanya,gusto ko maging gaya nya gusto ko syang tapatan o kaya naman gusto ko syang higitan.Gusto kung maranasan kung paano maging siya maging isang Quinn Harris.
Gusto ko na sa sunod na mag cross ulit ang landas namin ni Raven mas magaling na ko kay Quinn.
Dahil puro papuri si Raven sa kanya,at kitang kita ko kung pano sya titigan ni Raven kapag hindi sya nakatingin....
BINABASA MO ANG
"Run To You" (On-Going)
Teen Fiction"Meeting them was the biggest mistake she encountered on her entire life ganon malimit ang sinasabi niya. Kung bakit naman kasi nahuli pa yung warning sa kanya ng matalik niyang kaybigan na si Elise Madrigal bago niya nalaman iyon.Kung kelan lahat s...