Chapter 26

5 2 0
                                    

Quinn's Pov

Hindi ko maintindihan ngayon ang nararamdaman ko,pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng pagkakataon.Dahil kong kelan pinili ko ang buhay na ikatatahimik ko ay gulo naman ang inaabot ko.Lalo na sa mga nalaman ko tungkol sa mga background ng mga taong aksidente ko lang naman na nakabanggaan noong nakaraang araw.Hindi ko intensyon na kilalanin ang bawat isa sa kanila,pero mukhang nakatakda nga yatang pagtagpuin kami hindi ko din inaasahan na ganon pala talaga sila kayayaman.Kaya naman pala ganon na lang magreact ang mga estudyante at taong mga nakakakilala sa mga ito.Unti unting bumalik sa ala ala ko ang lahat ng mga nangyari simula ng pasukin ko ang South High.

Beatrix Azalea Aragon,kung hindi ako nagkakamali s'ya yung babaeng kumuha ng litrato sa akin nung araw ng pasukan!?"At si Marco Luigi Martinez s'ya yung lalake kanina lang na kasama ko manuod ng live sine sa hallway at binigyan ako ng lintik na golden pin na may hugis na rosas a human manipulator ah saan banda?Wala naman sa itsura n'ya yun mukha nga s'ya babaeng ubod ng hinhin.Si Finn Travis Dawson naman s'ya yung lalakeng nabangga ko first day of school noon at pumulot ng mga nahulog kong folders,at s'ya din yung lalakeng nasa hallway nung nakaraan na pumigil sa cinderella's sisters na awayin ako.Kaya pala familiar ang mukha nito sa akin.At si Sean Flinn Del Moran s'ya ang lalake na tumulong sa kin sa cafeteria kanina.At ang last ang kupal na monggolid na si Claine Aiken Morrison ang kingina na ninakawan ko daw ng halik!?ang kapal ng mukha n'ya talo n'ya pa ang babae kung kumuda sa akin.Ang hampas lupang uminom ng softdrinks ko nung nakaraan.Bahagya akong natawa sa lahat ng naiisip ko ngayon.

Masyadong lumiliit ang mundong ginagalawan ko dahil sa kanila,dahil sa maikling panahon ay nakilala ko silang lahat ng ganun ganon na lang.
Meeting them was a biggest mistake,ano pa nga bang gagawin ko?nandito na sila.At ang tanging magagawa ko na lang ay umiwas.

Pero agad nangunot ang noo ko ng mapabaleng ang tingin ko sa gawi ni Elise.

Agad napataas ang isang kilay ko dito.

O_O

Ano bang nangyari dito kay Elise?gusto kong matawa sa itsura n'ya nanlalaki ang mga mata nito,at nakanganga sa akin.

"Huy!umayos ka nga!..mukha kang tanga dyan!?"sita ko sa kanya habang palinga linga ako sa paligid,pero wala naman akong napansing kakaiba.Mahirap na baka may makarinig ng pinag usapan namin ngayon.

"Run To You" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon