Quinn's Pov
Magdamag akong tulala sa kisame kung saan parang magigiba na,hindi ako masyadong gumagalaw sa kinahihigaan ko pakiramdam ko kasi ano mang oras bibigay na yun.Araw araw tuloy na masakit ang katawan at ulo ko dahil kulang ako sa tulog.Pinagkakasya ko na lang kasi ang perang meron ako kaylangan kung makahanap ng trabaho upang may pang tustos ako sa pang araw araw na gastusin ko.Hindi naman ako pwedeng lumapit kay Mrs.Harris dahil lalabas na makapal na talaga ang mukha ko nuon,ang dami ko pa namang nasabi sa kanya na hindi maganda at isa pa may sarili akong paninindigan ukol sa bagay na iyon.
"Hala Quinn pano kana n'yan?bakit di mo kaya subukang hanapin yung tunay mong mga magulang para hingan ng tulong?!For sure kahit papano tutulungan ka naman ng mga iyun.Ang kapal na lang ng mukha nila pagkatapos kang ipanganak ay inabandona kana lang basta basta"mahabang paliwanag ni Yuriko sa akin.
Minsan ko na rin kasing naikwento dito ang buhay ko,hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun na lang kadali para sa akin na magkwento tungkol sa buhay ko.Samantalang kelan ko lamang s'ya nakilala at hirap na hirap naman akong mag open ng topic kay Elise.Si Elise na matagal ko ng kakilala at matalik kong kaybigan.Ayoko namang abusuhin ang pagkakaybigan namin dahil lang duon.Alam ko na nag aantay lang ito na magkwento ako sa kanya,pero hindi ko naman magawa.
"Bakit kay Yuriko pa?!..Bakit kay Yuriko pa na isang estranghera lang para sa akin?Ngayon lang kami nagkakilala pero para bang kay gaan ng loob ko sa kanya.Mabait naman kasi talaga s'ya kaya nakahanda akong ipagtanggol s'ya laban sa mga wicked sisters n'ya.
Matapos ang usapan namin ni Elise kahapon ay samu't saring palaisipan ang nabuo sa aking isipan.Una na duon ang tungkol sa tunay kung mga magulang,minsan kasi sa tanan ng buhay ko ay never kong pinag interesang itanong iyon sa aking sarili.
Bakit nila ako pinabayaan?Bakit nila ako hinayaan na mag isa?Ano ba ang kasalanan ko?Bakit ayaw nila sa akin?
Ngayong mag isa na lang ako hindi ko ma rin maiwasan na mag umpisang magtanong sa sarili ko.Ngayon ko higit na kaylangan ng isang magulang na gagabay sa akin.Alam ko naman na hindi na ko bata para sa bagay na iyon.Pero sabik ako ,sabik na sabik ako sa pagmamahal ng tunay kung magulang.Magulang ko din naman si Mrs Harris pero kasi di s'ya tulad ng iniisip ng iba,oo nga't ibinibigay n'ya sa akin ang mga pangunahing pangangailangan ko maging hindi ko naman kaylangan ay binibigay n'ya sa akin.Pero hindi ang pagmamahal ng hinahanap ko sa kanya,nung panahong narito pa ang lolo ko ay pawang pakitang tao lamang lahat ang ginagawa n'ya.At mas lalong tumindi iyon ng mamatay ang daddy ko.Ang relasyon sa pagitan naming dalawa ay parang give and take,maaasahan ko s'ya sa material ngunit may kapalit ang lahat ng iyon.Nagsisilbi n'ya akong personal body guard,kaya nga n'ya ko tinuruan ng martial arts at paggamit ng iba't ibang armas.May pinaghahanda s'yang laban na hindi ko naman makita ang kalaban n'ya.Sabi n'ya mga hindi daw pangkaraniwan ang mga iyon.Marami pa talagang bagay ang hindi ko maintindihan sa pamilya namin.Na magpa hanggang ngayon ay hindi ko pa natutuklasan wala namang naglalakas loob na magkwento sa akin tungkol sa bagay na iyon.Parang gusto kung pagsisihanan na nabuhay pa ko sa mundong ito,halos isang dipa na lamang ang layo ko sa bukana ng gate ng South High.Halos hindi ko na namalayan ang sarili ko na naglalakad pala ako,ganon na ba talaga ka okupado ang isip ko?Mabuti na lang lamang at walang masyadong nadaan na mga kotse ng mga oras na iyon.Napahugot na lang ako ng isang malalim na buntong hininga at wala sa sariling napatingala sa maaliwas na langit.
BINABASA MO ANG
"Run To You" (On-Going)
Teen Fiction"Meeting them was the biggest mistake she encountered on her entire life ganon malimit ang sinasabi niya. Kung bakit naman kasi nahuli pa yung warning sa kanya ng matalik niyang kaybigan na si Elise Madrigal bago niya nalaman iyon.Kung kelan lahat s...