Chapter 22

9 6 0
                                    

Quinn's Pov

Bahagya akong natigilan ng makita iyon.

"Phoenix"bulong ko sa sarili.

Ang nagliliyab na ibon na iyon ay parang buhay na buhay sa paningin ko bahagyang ko pa itong nahaplos ng kamay ko at bawat detalye nito ay sinusundan ko na para bang kayang kaya ko ring iguhit iyon.

"Alam mo ba Quinn si Ms.Thalia ang gumuhit niyan,sobrang galing niya nga sa arts eh

Bahagya akong napasulyap sa kanya at muling tinutok ang paningin sa libro.Hindi lang ang nakasulat sa libro ang pumukaw ng interes ko maging ang iba't ibang larawan na nakaguhit doon.Sa sumunod na pahina ay isa naman itong punyal,kulay ginto ang hawakan nito na napapalamutian ng mamahaling bato.At talaga namang hindi papahuli sa tulis at talas nito.

"Ano ang naging katapusan ng kwento?seryosong tanong ko sa kanya.

"Sa totoo lang ay wala pa pero ang mga haka haka duon sa fandom ay mukhang may season 2 itong librong ito,kasi naman hindi pa nakakaganti si Georgia sa kanila imagine mo dinamay ng mga kawatan ang anak ni Georgia sobrang nakakapanggigil nga eh.Yung batang walang muwang nadamay ang sabi dyan nagkahiwalay sila na mag ina ng minsang magkaroron ng engkwentro sa pagitan ng pamilya niya at mga taksil na membro ng Triad Org."mahabang paliwanag nito.

Bahagya akong napahawak sa ulo ko ng makaramdam ng hilo,at bahagyang umiling iling.

Napalakas yata ang hampas sa kin ng mga walanghiya yare talaga sila sa kin kapag tuluyang nanakit ang ulo ko.

"Hoy Quinn ayos ka lang ba talaga?gusto mo samahan kita sa clinic?nag aalalang tanong pa nito sa akin.

"Ah hindi okay lang ako,kulang lang siguro ako sa tulog kaya medyo naliyo ako"tipid ko naman sagot sa kanya para hindi na ito mag alala pa.

"Pwede bang ituloy mo lang ang kwento mo sa akin?"sabi ko pa

"Si-sigurado ka ba Quinn na ayos ka lang talaga?na okay lang sayo na ituloy ko pa ito?pwede namang sa ibang araw ko na lang gawin marami naman tayong oras.At isa pa vacant natin mamayang mga alas dos pwede kang magpahing kung gusto mo sasamahan pa kita"

Alas dos?magkikita nga pala kami ni Elise mamaya.

"Naku hindi na muna siguro Yuriko magkikita kasi kami mamaya ni Elise may sasabihin daw siya sa akin"

"Ah ganun ba,di ba siya yung taga kabilang building?"usisa pa nito sa akin.

"Oo dati ko siyang kaklase nung nasa North High pa ako nag aaral."

"Buti pa kayo'nuh kahit na magkaiba kayo ng napiling pasukan hindi pa rin nawawala ang connection ng bawat isa sa inyo,sana lahat ng magkakaybigan ay ganon,"natutuwang puri niya sa samahan namin ni Elise.

Tipid ko siyang nginitian at tumingin sa kawalan.

"Nagkalayo man kami ni Elise ng pinasukan,hindi ibig sabihin nuon ay kinalimutan na rin namin ang pinagsamahan namin noon masyado na kaming maraming pinagdaanan.Maniwala ka sa kin naiintindihan niya ko kung bakit ko pinili ito kesa sumama sa kanya kung nasan siya ngayon,tipid na sagot ko pa dito na may bahagyang ngisi sa totoo lang ako ang maswerte ng biyayaan ako ng mga kaybigan na tulad nila.Na kahit di ko sila kadugo ay tinuring nila ako na parang isang tunay na pamilya.At nagpapasalamat ako dahil kahit wala man si Eris at Sierra sa tabi ko nandyan naman si Elise para suportahan ako kahit alam kung napipilitan na ito sa ginagawa niya ngayon.

"Run To You" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon