"Makita ko lang siya masaya na ko"Ganon yata talaga kapag hinahangaan mo ang isang tao matanaw mo lang siya ay buo na ang araw mo.
Pano pa kaya kung araw araw pa di ba?iba talaga ang tama ko pagdating kay Raven Paul Galicia,siya ang dahilan kung bakit inspirado akong pumasok sa pang araw araw,yung tipong kahit sobrang gutom kana pag nakita mo palang siya bigla kang mabubusog sa isang iglap ha..ha..ha.. it sounds corny pero ganun talaga ang feelings ko towards him.
Paghanga lang naman ang lahat ng iyon,ngunit pilit kung iwinawaksi sa isipan ko na may mas hihigit pa akong nararamdaman para sa kanya.
Dahil kahit saan siya pumunta ay nanatili ang kasikatan nito at ganon pa rin kung dumugin ito ng mga kababaihan at wala naman akong magagawa sa bagay na iyon.
Matapos kasi ng issue namin sa North High ay nag alangan na din akong lapitan pa s'ya at kausapin.Para saan pa!naging malinaw na rin sa akin ang lahat,wala siyang gusto sa kin.
Hindi ako ang gusto niya kundi ang matalik kung kaybigan na si Elise Madrigal.
Sapat na sa akin na itinuring niya ko bilang isang mabuting kaybigan.Sino nga ba ako para magreklamo sa bagay na iyon?
Ako lang talaga iyong namiss interpret ang kabaitan niya sa akin.
Assumera nga di ba!!!
Halos nakalimutan ko na yung dahilan kung bakit ako nandito sa South High ngayon.Bigla akong nakaramdam ng lungkot mula sa kaibutiran ng puso ko.May misyon ako na dapat gawin,yun ay ang alamin kung sinong traydor ang nagpakalat ng mga confidencial activities namin sa loob ng North High.Bawat isa sa amin na mag aaral ay may confidential record sa loob,at walang sino man ang pwedeng maglabas ng impormasyon na iyon sa amin.
At bukod nga pala doon ay kasalanan ko rin kung bakit ako naririto ngayon sa South High.
-_____-"
Malalaman niyo din,kung pano at bakit humantong ang lahat sa ganito.
Isang pagkakamaling bumago sa takbo ng buhay kung tahimik na sana.
Wala akong tulak kabigin sa mga nakikita ko dito sa South High,halos araw araw akong namamangha sa mga nakikita ko,masyadong sibilisado ang lugar na ito at napapalibutan ng mga kilalang tao sa lipunan.At ang isang katulad ko ay hindi nababagay sa ganitong klaseng lugar,masyadong tahimik dito at malayong malayo sa buhay na nakasanayan ko.
Nanggaling ako sa lugar na kung saan taliwas ang nakagawian at pamamalakad ang North High.
Sa lugar na iyon maaari kang masaktan kung di ka marunong lumaban,sa lugar na iyon maaari kang manakit at may posibilidad na mapatay ka kung di ka lalaban.
Hindi katulad sa lugar na ito na masyadong tahimik,at puro pasosyalan lang ang alam hindi ko alam.
Malalaman ko din naman iyon---
Dito nga pala halos nag aaral ang mga anak at apo ng mga kilalang tao sa lipunan.
Oh eh ano namang pakealam ko sa kanila!?Hindi sila ang sinadya ko dito.
"Raven..."mahinang bulong ko ng pangalan nito at di ko napigilan ang sarili ko na malungkot na ngumiti habang nakatanaw sa kanya sa malayo.Nasa field siya ngayon at naglalaro ng soccer kahit na tirik na tirik ang sikat ng araw.
"Tsk..."Laway mo hoy tumutulo na!!,nang uuyam na sabi niya na binuntutan pa ng mahinang tawa.
BINABASA MO ANG
"Run To You" (On-Going)
Teen Fiction"Meeting them was the biggest mistake she encountered on her entire life ganon malimit ang sinasabi niya. Kung bakit naman kasi nahuli pa yung warning sa kanya ng matalik niyang kaybigan na si Elise Madrigal bago niya nalaman iyon.Kung kelan lahat s...