Chapter 23

14 6 0
                                    

Quinn's Pov

"Ayos ka lang?nag aalalang tanong nito sa akin habang nakatingin sa kabuuan ng mukha ko hanggang sa huminto iyon sa gilid ng labi ko kung saan naroon ang pasa at sugat ko dahil sa ginawang paghampas sa kin ng Cinderella Sister's.

Hindi ko maintindihan kong bakit ganun na lang niya ako titigan lalo na ang taimtim na titig n'ya sa mga mata ko.Na para bang hinahalukay nito ang bawat detalye ng pagkatao ko.At bago pa may makapansin ng pagganti ko ng titig sa kanya ay ako na ang kusang unang bumawi,nagbaba ako ng tingin at tinanggal ko ang coat na ipinatong niya sa balikat ko.Napansin ko kasing may ilang estudyante ng naka agaw ng atensyon namin.Gusto kong lumubog ngayon sa kinatatayuan ko dahil sa mga natatanggap kung reaksyon buhat sa bawat isa sa kanila.Pakiramdam ko kasi parang ako na ang pinaka makasalanang tao sa paningin nilang lahat.

"Sa-salamat salamat sa tulong mo"tipid kong sabi dito.Matapos kong sabihin iyon ay basta ko na lang siya tinalikuran at hindi na hinintay ang iba pa nitong sasabihin.

Matapos ang insidente sa loob ng cafeteria ay umalis na ako sa harap niya,marahil ay naging kabastusan man ito sa paningin ng iba na maituturing ay mas pinili ko lang ang makakabuti sa akin.Isa siya sa dahilan kung bakit ako ginugulo ngayon ng Cinderella Sisters except duon sa pusa na mahilig makisawsaw.Ayoko lang ng gulo dahil ngayon palang nakikita ko na mas magiging komplekado ang mundo ko kapag nagkataon.Kaya nga mas pinili ko na lang na manahimik kesa pumatol.Dumiretso ako sa loob ng cr para linisin ang sarili ko,para kasing nanlalagkit na ang pakiramdam ko.Napahugot ako ng malalim na buntong hininga,at pinakawalan iyon sa kawalan.Hanggang kaylan kaya nila ako balak na gaganituhin?maging normal pa kaya ang pagpasok ko dito araw araw masyado silang immature para gumawa pa ng ganoong bagay.

Naihilamos ko na lang sa aking mukha ang dalawang kamay ko sa sobrang frustration na nararamdaman.na lang ako habang nakaharap sa salamin pagkatapos kong maghilamos ng mukha.Sana hindi mahalata ni Elise ang pasa ko tiyak na mag aalburuto iyon pag nagkataon tinalo pa ang sarili kong ina kapag nag aalala.Agad akong napakislot ng maramdaman ang mga yabag ng paparating kaya naman dali dali akong pumasok sa isang cubicle doon upang magtago.

"Grabe girls parang gusto ko na lang yata magpabugbog dito kila Vexa."parang kinikilig pa na kwento nito sa kasama.

"Oo nga eh nakita niyo ba kung pano siya tinulungan ng baby Sean ko?jusko ang swerte swerte niya.Ano kayang pakiramdam na ipahiram sa kanya yung coat niya?jusko kung ako duon kay ate iuuwi ko na sa bahay at yayakapin hanggang sa pagtulog"parang nangangarap pa kwento rin nito sa kasama.

Bahagya akong napangiwi sa mga narinig ko sa mga ito,at sino namang tanga ang magtatabi ng coat sa higaan?
Alangan namang ako nahihibang na nga sila kung ganun.

-___-"

"She's really lucky kaya mahirap lapitan si Sean dahil may kasungitan ito like Claine,pero imagine niyo nalapitan niya ng walang kaanog abog itong si Claine nakahalikan niya pa nga.Tapos ngayon si Sean naman tinulungan pa siya kanina para na nga kung hihimatayin sa kilig."mahabang kwento pa nito sa kasama

"Run To You" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon