Quinn's Pov
Kinabukasan**
Ang ingay ng classroom namin na halos dinig na dinig ko sa hallway ay biglang tumahimik ng pumasok ako.
Parang namang dinaanan ni kamatayan ang mga ito,parang gusto kong matawa ng makita ko silang nagsipagyukuan sa kani kanilang mga upuan.Ngingisi na sana ako ng makaramdam ako ng hapdi sa gilid ng labi ko na namamaga pa nga bahagya kong sinalat iyon ng hinlalaki ko.At tahimik din na nagtuloy tuloy sa upuan ko sa bandang dulo,walang sinoman sa mga ito na nangahas na lingunin ako.
Hayyyy...
Kinuha ko na lang sa bag ko at inilabas ang sketch notebook ko,upang tapusin ang iginuguhit ko dito kahapon sa katunayan nga niyan ay nakagawian ko na rin ang ganito kahit wlaang activity ay gumuguhit lang ako.Upang masanay na rin so far may improvement na rin ako nagmukha ng tao ang drawing ko.
May kung ano sa kin na ayaw na ayaw ko talagang mag drawing isang beses ko lang ginawa iyon noon pero hindi ko na inulit.At ang ama ko pa ang kauna unahang fan ko dito,halos ipa frame niya pa noon ang ginawa kong arts.Buti na lang napigilan ko siya sa binabalak niya.My very best supporting daddy
-____-
Hindi na rin mukhang piso na nilagyan ng tatlong stick ang ulo nitong ginawa ko.Drawing ko pa yata ito ng elementary isama mo pa ang ibon ko na mukhang number three na nakabaliktad mukha siyang nakadapang number 3.
Tsk..
Maya maya pa ay narinig ko na ulit ang ingay nila,pero di ko na lang pinansin iyon.
"Grabe masyado talagang masama ang ugali ng tatlong iyon kahit kelan!"sabi ng kaklase kung si Crista na mababakas ang pagkairita nito.
"Sinabi mo pa Crista,naku pasasaan ba at makakakuha din yan ng katapat nila,porke kasi hindi kasi pinapatulan.Kawawa naman tuloy itong si Quinn nadamay pa sa kawalang hiyaan nila."tugon naman ni Ericka dito.
Mula dito kinauupuan ko ay rinig ko ang usapan nila mukha naman silang hindi nagbubulungan at natural lang talaga silang nag uusap.
Ang lakas ng mga amats nila parang mas baliw pa sila sa mga tinuringan siga ng North High.Buti na lang talaga at wala ako sa mood para patulan sila,kung hindi nakapila na silang tatlo sa hospital.
-,-
"Sinabi ko naman sayo kanina na wag kanang maki alam tinangnan mo yang nangyari sayo"ani Yuriko na hindi ko namalayang nasa harap ko na pala.
Bahagya kung inangat ang ulo ko ng mapagsino ko siya,walang kasing lungkot ang itsura ng mukha nito.
Nagulat pa ko ng mapansin ang pamumugto ng mga mata ni Yuriko.
Umiyak ba siya?pero bakit naman para saan?
Mataman kung pinag aralan ang kabuuan niya maging ang parte ng mukha nito.Wala naman siyang sugat o ano mang pasa.
BINABASA MO ANG
"Run To You" (On-Going)
Ficção Adolescente"Meeting them was the biggest mistake she encountered on her entire life ganon malimit ang sinasabi niya. Kung bakit naman kasi nahuli pa yung warning sa kanya ng matalik niyang kaybigan na si Elise Madrigal bago niya nalaman iyon.Kung kelan lahat s...