Chapter 32

2 0 0
                                    

Someone's Pov

Sunod sunod na putok ng baril at kabilaan ang naririnig n'yang pagsabog.Matapos iyon ay tumambad sa kanya ang mga nagkalat na duguan at halos wala ng buhay na mga katawan ng tao.Pero wala pa ring humpay ang pagtakbo n'ya di niya alintana ang ilang bala na bumaon na sa hita at balikat n'ya.Wala siyang ibang iniisip kundi ang maisalba pa ang kanyang buhay sa isang rason.

"Kaylangan kung mabuhay para sa anak ko---"At isang malakas na pagsabog ang gumimbal sa kalagitnaan ng katahimikan na nagsanhi ng apoy na halos lumamon na sa sinakyan n'yang pantawid dagat.

"Run save yourself..."matigas na sabi nito.Ngunit nagmatigas ako sa kanya pareho kami ng mga tinamong tama ngunit mas malala ang sa akin.Dahil imbes na pabawas ang mga kalaban namin ay mas lalo iyong dumami.Dalawa na lamang kami at halos paubos na rin ang bala na meron ako.Kahit na hinang hina ako ay pinilit kung makalapit sa kanya upang alalayan s'ya.

"Hindi ito ang katapusan na pinapangarap ko"nahihirapang sabi ko dito.

"Hindi ko lubos akalain na pahihirapan nila ako ng ganito."habang tumatagal ay nararamdaman ko ang pamamanhid ng likod ko kung saan dito mismo tumama ang palaso na hindi ko nagawang iwasan.Nakaramdam na ko ng pagkahilo at bago tuluyang matupok ng apoy ang kinaroroonan namin ay naramdaman ko ang malakas na pagtulak nito sa akin kasabay noon ang malakas na pagsabog.

"Hi-hindi!!!"at bago pa ko mawalan ng malay ay naramdaman ko ang unti unting paglubog ng katawan ko.Kasabay nun ay ang pagtama ng matigas na bagay sa ulo ko na tuluyang nakapagpawala ng ulirat ko.

Humihingal pa halos s'ya ng magising at gitil gitil ang pawis n'ya sa noo sa loob ng nakalipas na taon.Wala araw na sa t'wing makakatulog s'ya ay palagiang iyon ang laman ng panaginip n'ya.

"Run To You" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon