Elise Pov
Napapangiti na lang ako sa mga ala ala naming iyon.Na parang kahapon lang nangyari ang lahat at ngayon ay mga ganap na talaga kaming dalaga,at sooner or later magkakaroon na kami ng kanya kanyang career.Pero magka gayunman hindi mapuputol ang pagkakaybigan na nabuo sa pagitan ng bawat isa sa amin.
Pero agad naputol ang pagmumuni muni ko ng tumunog ang cellphone ko.Sino namang tsismosa ang tatawag ng ganito kaaga?Agad sumagi sa isip ko si Sierra hmmm ano namang kaylangan n'ya ng ganito kaaga.
Agad ko 'tong dinampot at tiningnan upang makasiguro na s'ya nga ngunit---hindi ko inasahan ang pangalan na nakarehistro dun sa screen ng cellphone ko.
~Mrs.Harris Calling~
Teka anong kelangan n'ya sa kin ng ganito kaaga.
O_O??
Tumikhim muna ako bago ko sinagot iyon.
"Good morning tita kumusta po"magiliw na bati ko dito pero ang totoo ay kinakabahan talaga ako sa kanya.Masyado kasing busy ito kaya nakakapagtaka naman na bigyan niya ko ng oras niya para lang kausapin.
"Hellow Elise,I'm okay anyway hindi na ko magpapaligoy ligoy pa sayo kung may oras ka sana pwede bang dumalaw ka sa kin dito sa office ko."
Napaka prangka niya talagang tao walang halong arte isa ito sa nagustuhan kong ugali ng mommy ni Quinn.
"Oh sure tita i'll be there dadaan ako bago pumasok see you po"nakangiti ko pang tugong dito kahit hindi niya ko kaharap.
Makalipas lang ang ilang saglit ay ibinaba na rin nito ang linya.Bahagya pa akong napasipol matapos iyon.
"Bakit kaya s'ya tumawag?maybe it was about Quinn ay oo nga pala wala nga pala siyang cellphone.
-____-
Napatigas naman kasi ng ulo ng babaeng iyon.
Makalipas lang ang ilang oras ay naghanda na ako upang umalis.Hinatid naman agad ako ng driver namin sa North High.Medyo maaga pa kaya wala pa kong makitang estudyante na pakalat kalat namimiss ko na si Sierra at Eris,malalamang ay tulog na tulog pa sila sa pansitan ng ganitong oras.Kaya naman ay pumunta ako sa private office ni Tita Azura.Oo kahit assistant secretary lang sya ay may private office ito sa loob ng North High,oh di ba ang gulo ng lahi nila.Agad ko namang narating ang kinaroroonan ng private room nito at kumatok duon.Ilang saglit pa ay kusa itong nagbukas,ang galing nuh balak ko rin magkaron ng pinto na gaya ng ganito.Dumiretso ako sa living room at umupo sa sofa na naroroon,malimit ay dito tumutuloy si Tita kesa umuwi sa sarili nilang bahay dahil sa trabaho.Katamtaman lang ang lawak ng living niya para sa katulad niyang nag iisa.Napansin ko rin ang picture frame na nakapatong sa ibabaw ng lamesa pahaba malapit sa bintana.
BINABASA MO ANG
"Run To You" (On-Going)
Ficção Adolescente"Meeting them was the biggest mistake she encountered on her entire life ganon malimit ang sinasabi niya. Kung bakit naman kasi nahuli pa yung warning sa kanya ng matalik niyang kaybigan na si Elise Madrigal bago niya nalaman iyon.Kung kelan lahat s...