Claine's Pov
"Bro,pumasok ka ng maaga ngayon hah kaylangan kitaaaaaa.....
Tottottottot..
Bahagya pa kung napa iling iling ng bigla itong mawala sa kabilang linya.
Ano na naman bang problema ng isang iyon?---
Pasado alas singko pa lamang ng umaga at wala pa kung halos maayos na tulog.Nitong mga nagdaang araw ay halos napapadalas ang paulit ulit na panaginip kung iyon.
Labingdalawang na ang nakakaraan mula ng mangyari ang trahedyang.Ngayon na lang ulit naulit
ang malungkot na pares ng mga mata n'ya na nakatunghay sa akin habang palayo ako sa kanya.At ang pares ng mga mata ng babaeng iyon----Bahagya akong natigilan ng may maalala,dali dali kung kinuha ang sketchbook at saglit na may hinanap dun na agad ko namang natagpuan.
"Isa ka pa sa pasakit ng buhay ko!!"
Tukoy ko sa larawan na ginuhit ko,halos sumabog na ang laman ng utak ko sa dami ng iniisip kong iyon.Napasabunot na lamang ako sa sariling buhok ko ng maalala na naman s'ya.
Ngunit sa di maipaliwanag na pangyayari ang mukha ng transferee na iyon ang biglang pumasok sa isip ko.
At hindi ko namamalayan na unti unti na pala akong napapangiti ng maalala ang nakakatawang mukha nito.
Matapos ang unang tagpo namin sa campus,ay wala talaga akong balak na sigawan s'ya nainis ang talaga ako ng makita ko na naka poker face ito sa akin at wala man lang reaksyon sa nangyari.
"Hindi n'ya ba ko kilala?wala sinuman ang hindi nakakakilala sa akin!!---O di kaya nagpapanggap lang s'ya na di ako di kilala para mapansin ko s'ya?"
Bahagya akong napangisi sa aking naisip ibang klase din naman s'ya kung ganun,napansin ko nga ang strategy n'ya.
Pero bakit nasapak ka n'ya kung ganun?tanong naman ng utak ko sa akin.Bahagya akong natigilan sa bagay ba iyon.
"Oo nga 'nuh ngayon ko lang naalala yon bukod tangi s'ya sa lahat na nangahas na bangasan ang mukha ko.
Nitong mga nakaraang araw walang araw na di ko s'ya nakikita.Ewan ko ba kung nagkataon lang iyon o sinadya n'ya.Konte na lang iisipin ko na may gusto s'ya sa akin gusto kung tumawa ng ubod ng lakas dahil sa konklusyon na nabuo sa isip ko.
"Balang araw sinisiguro ko na muling magtatagpo ang landas nating dalawa,sa ayaw at gusto mo makikilala din kita"-----
At sinimulan ko na ngang na maghanda para sa pagpasok kinukutuban ako dito kay Travis mukhang may hindi na naman magandang nangyari.Kalaunan ay mabilis akong nakatapos maligo at nagbihis.Dapat nga ganito kaaga mainit ang ulo ko dahil kulang ang tulog ko pero heto ako at parang sinisilihan sa pagmamadali.Para bang may nais akong makita ngayong araw,di ko alam kung ano.Natigilan ako ng bahagya ng bigla itong sumagi sa isip ko,at taimtim na napatitig sa sariling repleksyon sa harap ng salamin.
BINABASA MO ANG
"Run To You" (On-Going)
Teen Fiction"Meeting them was the biggest mistake she encountered on her entire life ganon malimit ang sinasabi niya. Kung bakit naman kasi nahuli pa yung warning sa kanya ng matalik niyang kaybigan na si Elise Madrigal bago niya nalaman iyon.Kung kelan lahat s...