Chapter 31

3 0 0
                                    

Quinn's Pov

"Sigurado ka ba talagang okay ka lang Quinn?nag aalalang tanong ni Yuriko sa kanya habang pinagmamasdan ang kabuuan n'ya.

Nakapagpalit na s'ya ng isang plain white t-shirt habang kasalukuyan n'yang tinutuyo ng towel ang sariling buhok n'yang nabasa,at hindi n'ya mapigilan ang sarili na mapatulala sa harap ng kanyang canvas board.Hindi n'ya maiwasan na mapabuntong hininga na lang pagkatapos ng mga pangyayari kanina.

Mariin na lang akong napapikit sa sobrang inis,pagkatapos ng breaktime namin kanina ay nagulat na lang ako ng biglang may magsaboy ng isang timbang tubig na may kasamang yelo saktong papasok ako ng building.

-_-

Maging ang ilan ay nagulat ng masaksihan iyon.Ang iba naman ay tumawa,ano pa nga bang aasahan ko.At napansin ko ang grupo ng mga kalalakihan sa di kalayuan na pangisi ngisi sa akin sa itaas.


Humingi naman ng pasensya ang nakasaboy daw sa akin.Hindi daw sinasadya.

Sino ba naman kasing tarantado ang magsasaboy ng tubig na hindi daw sinasadya pero ako yung nasapol?

Sa dami nh dumaraan sa akin pa talaga?wow magic yung tubig na yun dahil kusang lumapit namili kung sino ang mababasa
Nice----

-__-

Pagkatapos ng encounter namin ni Claine sa hallway ay basta na lang n'ya ako tinalikuran at walang lingon lingon na umalis.

Aba'y isa't kalahating gago din pala iyon dahil pagkatapos n'ya kung bulyawan,sa kadahilanang hindi ko lang sinagot ang tanong niya ay basta na lamang niya ako linayasan."Ano ba kasing trip na naman ng isang abnormal na iyon!?"Tapos ito naman yung sumunod halos manginig ako sa lamig dahil puro pala tipak ng yelo yung laman ng timbang iyon.Pakiramdam ko nagkabukol bukol ang ulo ko kanina.

Ano bang atraso ko sa mga tao dito!!?Bahagya ko pang nasapo ang ulo ko na makaramdam ng pagkahilo at bahagyang panlalabo ng mata.

Mabuti na lamang at may dalang extrang t-shirt itong si Yuriko na s'yang suot ko ngayon.

"Malakas talaga ang kutob ko isa yun sa mga kapatid ko yang may gawa nito sayo"nanghihinala pang sabi ni Yuriko habang nanginginig ang mga kamay nito sa galit na may kalakip na pag aalala ang tinig.

"Hindi tayo pwedeng mangbintang ng walang sapat na dahilan Yuriko,hayaan muna lang at baka mas lalong lumaki ang gulo."pananaway ko pa dito ito lang naman anb inaalala ko.

"Sorry talaga Quinn ah wala akong magawa para matigil sila sa pang bubully sayo"malungkot na turan nito sa akin.


"Wala kang kasalanan Yuriko.Kaya wag kang mag sorry kung may dapat man na mag sorry sa akin,hindi ikaw ang dapat gumawa nuon kundi sila okay"pang aalo ko pa dito at tipid na nginitian ito.

Sa totoo lang simula ng pumasok ako dito nakita ko na ang malaking pagbabago ko.Lalo lalo na sa larangan ng pagpapasensya na kung noon ay wala ako.

"Eh di kung hindi dahil duon,eh anong iniisip mo bakit ka tulala dyan?may masakit ba sayo?!!..nag aalalang tanong nito.

"Ah yung tungkol sa portrait natin kanina"nakangiwing sabi ko dito ng maalala yung pinasa ko sa prof namin.


"Run To You" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon