Simula
Tinapakan ko ang upos ng huling sigarilyong meron ako.
Hindi ako pumasok sa klase at tumambay nalang sa rooftop ng building namin. Why will I listen to them when I already know what they're talking about?
Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit pa kasama sa grading system ang 'Attendance'. Sige sabihin na natin na nandoon ka sa classroom na 'yun, pero nakinig ka ba? Lutang naman ang karamihan. Atleast ako kahit wala ako doon, alam ko pinagsasabi ng guro ko.
Mabilis akong pumunta sa malapit na tindahan ng yosi at bumili ulit. Yeah, this is where I spent my money. Most of my money, actually. Nicotine makes me feel good. Too good.
"You again." Sumalubong sa akin ang isang gwapong mukha na amoy strawberry ang hininga.
Tinitigan ko lang siya at kinuha ang yosi ko. Kinaway niya naman ang lighter niya kaya lumapit ako at hinayaan siyang sindihan iyon. Pagkatapos ay binuga ko sa mukha niya ang usok.
"Still not very pleasant eh?" Tinitigan ko ulit siya. "Look, we've been talking for a week now. No, not really. I've been trying to talk you for weeks now. Three weeks. Lagi ka lang nakatingin, pipe ka ba?"
Tinagilid ko ang ulo ko at tiningnan siya ulo hanggang paa sa mabagal na paraan. Bahagyang huminto sa gitna pero dumiretso din naman ang paningin ko sa mata niya.
"Hmmm?" Ungol ko.
"Damn, that's all? Aren't you going to please me or something?" Sabi niya habang kagat ang ibabang labi.
Tinaasan ko siya ng kilay kaya mas lalong lumaki ang ngisi niya.
"Hindi ka ba naiinitan dito? The heat makes me itchy. It's uncomfortable here, no sofa, no boobs or even just legs to see, nothing. Pure nothing." Sinabi niya 'yun sa maarte at malungkot na paraan.
Hindi ko siya pinansin. My watch alarmed and I smirked. Time for my favorite subject.
"You should just go to the far east of the library if you want some peace. Plus, you can call me if you're horny. I'm hot you know. I am that someone you want to see on your bed when y--." Nilagay ko sa labi niya ang yosi ko at tumayo na. Too noisy.
"I'm Easton! Pleasure to meet you miss 36B!" Habol niya pa kaya tinaas ko ang gitnang daliri ko habang paalis.
Hinawakan ko ang dibdib ko at nagmura. Paano niya nalaman cup size ko? Impossible namang nalamas niya dibdib ko nang hindi ko nararamdaman.
I shrugged it off and went to my assigned class. Physics. My favorite.
Na-perfect ko ang mga quizzes habang reklamo ng reklamo ang mga kaklase ko. Science is interesting, math is fun. Both are easy when combined. You just need to put your efforts into it or else you'll fail in it. Kapag gusto, kaya naman.
Aalis na sana ako kaso hinarang ako ng teacher na maliit na madaming balahibo.
"Skipping my class again?" Pagtataray niya.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
ActionScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?