Kabanata 20
Naked
"Sasama ako." Ani ni kuya na sumunod pa pala sa akin sa kwarto. Kinuha ko ang susi ng motor ko. It's going to be my first time using you.
"No." I said.
No explainations even needed. Alam mo iyan, kuya. Hindi pwede.
"Paano kung iyong mga namaril kay papa ang kumuha kay Phiel!? You're putting your life at risk!" He lost control. I ignored him.
"Take Israphiel home." Pumasok din si papa sa kwarto ko.
Wow. Lumabas kayo dito. Gusto ko lang naman din makita pusa ko.
"I will. Don't worry." I assured him.
"Make sure you bring your brother safe." I heard his desperation.
Bakit noong ako ang nawala ay hindi ka naman ganyan kung mag-alala papa?
Umiling ako sa tanong ng aking utak. I have no time for that self. I need to find my brother.
Hinalikan ko ang pusa ko. "Hey, mommy will be back okay?"
Inabot niya naman ang ulo ko. Don't worry my girl. Lagi akong uuwi sa 'yo.
"Bakit ba inaasikaso mo pa iyang hayop na iyan!?" Sigaw ni papa. Tumayo ako at tinitigan siya.
Dahil sa bahay na ito. Sigurado akong ang pusa ko ang magiging pinakamasaya kapag bumalik ako. Hindi ikaw papa. Ang pusa ko lang.
"I need to go." Tinapik ko si kuya sa balikat.
"I can't let you go alone, kailangan ay kasama mo ako." Kuya said. Para silang baliw ni papa na nakasunod sa akin ultimo sa garahe.
Bumuga agad ng usok ang motor pagpihit ko dito. Malakas ang ingay mula rito. Inamoy ko ang hangin at napangisi ako doon. Bagong bago.
This is going to be fun.
"Mazikeen, sasama ako!" Kuya shouted. Sinamaan ko siya ng tingin.
I know you're concerned pero kailangan kong hanapin ang kapatid natin. Ikaw naman, kailangan mong protektahan ang bahay.
"Strengthen the barriers around the mansion and do not take your eyes off to papa." I commanded. Hinawakan ni kuya ang leeg at tumingala. He's frustrated.
"Are we clear?" Tanong ko.
"Fuck!" Hinila niya ako at niyakap. Mahigpit iyon. Sobrang higpit. I laughed.
It's not like they can kill me. They can. Basta sigurado muna dapat ako na uuwi si Phiel dito bago ako mamatay.
"Please, take him home." Papa pleaded. Nagtama ang mata namin at nakita ko ang labis pag-aalala doon. Pag-aalala para sa kanyang bunsong lalake.
Sana makita ko rin na ganyan ka mag-alala sa akin papa. Kahit isang beses lang. Kahit isang segundo lang.
Pinaharurot ko ang motorsiklo at dumiretso sa escuelahan kung nasaan si Easton. That's where he last saw my brother he said. Doon lang din siya nakatunganga dahil baka daw bumalik si Phiel.
"Hi. So what happened?" Bungad ko.
Nagpapanic siyang tumayo at humawak sa akin. Kumunot ang noo ko. Why is everyone panicking?
"Ano kasi... ano... ang sabi lang namin ay magkikita kami dito tapos ay hindi ko na siya nahanap. Hindi naman normal iyon diba?" He gripped my hands tightly. Tinabingi ko ang ulo.
Kung hindi ko lang alam na ano ay malamang binalibag na kita dahil sa higpit ng hawak mo sa akin.
"Walang records. Hindi nakita na umalis si Phiel sa building." Diamond came from I don't know where. Hinihingal ito. Why is he here too?
"Why are you together?" Tanong ko.
"Tinawagan niya 'ko. He told me Fermossel is missing." Aniya at nagpupunas ng pawis. Nakatitig naman sa kanya si Easton.
Something is not right here. Easton didn't seem like he's concerned because my brother's lost. He's more concern about something.
"Walang records na umalis si Phiel?" Ulit ko sa sinabi ni Diamond. Tumango naman ito.
"I called your dad too. Wala pa rin daw talaga siya sa inyo. He's worried too."
Of course he is. Lagi naman siyang nag-alala kina kuya.
"Ibig sabihin ay nandiyan pa ang kotse niya, hindi ba?" Sabay na tumango ang dalawa sa tanong ko.
Dumiretso ako sa madalas na parking space ni Phiel. Nandoon nga ang kotse niya. Tinabingi ko ang ulo at sinuri ang mga parte nito. No signs of scratch. No rough hands. No signs of anything. Pure nothing.
Something is definitely not right here.
Hindi mukhang dinukot si Phiel. Mas nagmukhang umalis siya ng walang paalam kay Easton.
O wala nga ba talagang paalam?
What is it? Madalas pa naman ay tama ang kutob ko.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
AksiScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?