Kabanata 13
My Daughter"Abelia come here!" Agad siyang lumundag sa hita ko at nagpakamot ng ulo. I miss you too my girl.
"Somebody gave you a gift!" I said to her. Tinitigan niya naman ako.
Binuksan ko ang box at kinuha ang nasa loob nito. Ang pagkaitim ng nametag ay tumitingkad at kitang-kita sa puting balahibo ng aking pusa.
Kinagat niya ito kaya inalis ko ito sa bibig niya.
"This is not food." I said to her. Tinabingi niya ang ulo. Nagtatanong.
Kinabit ko ito sa kanya. Hindi naman siya gumalaw at hinayaan ako. I like this cat so much.
Binuhat ko siya at dinala sa salamin. Itinapat ko siya doon at humagalpak ako ng tawa ng nagulat siya sa sarili niyang mukha.
"That's your name!" Sabi ko habang sinasayaw siya at tinuturo ang nametag. Hindi siya nakinig at nanatiling nakatulala sa mukha niya.
I know. Maganda ka. Ganyan din ang nararamdaman ko kapag tinititigan ang sarili.
Tinitigan ko ang collar at napangiti. He actually listened to me. You act roughly yet you are thoughtful Mr. Venatio.
Binaba ko ang pusa. Nakatingin pa rin siya sa kanyang repleksyon. Hinayaan ko siya doon. I need to sleep. Pagod ang utak at katawan ko.
"What do you want to be in ten years?" Asked someone. I can't see her properly.
"Gusto ko iyong mataas ang posisyon." Sagot ng batang ako.
"What if you won't achieve it?" Tanong niya. Nakikita ko na. Malapit na.
"No. I will. Kahit anong mangyare." Strong determination is vivid in my eyes as I said that.
"Kahit anong ipagawa nila gagawin mo?" She asked. I can now hold her face.
"Oo naman. Kahit ano." That's the last word and everything turned into a warp.
"Kahit anong kapalit man hingiin nila?" Sumakit ang sintido ko. Nakangiti pa rin ang batang ako at tumango sa tanong niya.
"Kahit ako?"
May mahapding bagay na kumalmot sa aking leeg dahilan ng aking paggising. I am sweating hard...
My cat looked at me worriedly. Napangiti ako doon. You don't need to worry baby, I'm okay.
"Thank you for waking me up. Mommy had a bad dream." Sabi ko at kinuha siya. With eyes still weary, sumiksik siya sa akin.
I think I woke her up. Papatulugin ko muna siya. Hinayaan ko siyang mahimbing sa aking braso. Inilapag ko siya sa unan ko at kinumutan. Tumabi ka nalang sa akin, baka managinip nanaman ako.
Tumayo ako at tinitigan ang sarili sa salamin. Hindi na maliit ang kalmot niya sa akin ngayon. Mahaba na ito at mas kita sa aking leeg.
Uminom ako ng tubig at ikinalma ang sarili bago bumalik sa kama. Mabilis akong nanakaw ng ibang dimensiyon at sumama ako doon.
"Zike, breakfast is ready." Si Israphiel iyon. Inaalog ako.
"What time is it?" Tanong ko at humikab. Hinawakan ko ang hinigaan ng pusa ngunit wala na siya roon kaya napabalikwas ako ng tayo.
"Where's Abelia?" Tanong ko kay Phiel.
Inginuso niya naman ang transparent house nito at nakita ko ang pusa na tulog sa sarili niyang kama. Huminga ako ng malalim... akala ko nawala.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
ActionScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?