Kabanata 8
Neck kissesMag-a-alas syete na ng gabi ng matapos ako. Hindi naman din masyadong nakakapagod. Puro arrange lang ng files ang ginawa ko at binibigyan niya naman ako ng pagkain kada sinasabi kong pagod na ako.
Pinatunog ko ang kotse ni Phiel. Binabawi ko na. Nakakapagod pala. Masakit ang likod at leeg ko eh.
Nag-unat ako at mabilis na tumunog ang leeg ko. Damn. That felt good.
"Anong ginawa niya sa'yo?" Napaikot ako nang marinig ang boses na iyon. Zael? Bakit hindi pa 'to umuuwi? Wala ng tao a.
"What are you doing here?" Tanong ko habang sinuri ko ang kabuuan niya. Naka-itim na plain tee shirt na siya. Psh. Mas gusto ko pa yung maduming long sleeve e.
"Did he hurt you?" Pinaikot niya ako at napabuntong hininga nalang ako. I am tired of these boys.
"He was gentle. Quite good actually." I said as a matter of fact.
Nanlaki ang mata niya at mabilis na napalitan ng galit ang kaninang nag-aalalang ekspresyon. I like those eyes. It tells me exactly how he feels.
"What exactly did he do?" Kitang-kita ko ang paglunok niya. Tumaas ang kilay ko.
"Ganito ka rin ba ka-concerned sa mga tinatawag mong bata?"
Hindi siya nakasagot at nakaawang lang ang labi. Umigting ang panga niya. He looks tired... but hot. May energy pa kaya siya para sakalin ako?
"Why are you even here Zael? Or should I say, Zacharius?" Mas lalong nangunot ang noo niya. May sasabihin na sana pero naputol nang may magsalita.
"Miss Fermossel gabi na at wala ka pa sa bahay! Anong ginagawa mo dito!" Napalingon ako sa gilid at nakita ang nakasimangot na mukha ni Phiel. What is he doing here too?
"You're living with your boy toy huh?" Gigil na bulong nitong kaharap ko at dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ko. I didn't notice his hands there. Masyadong magaan ang haplos niya.
"Who is this man?" Buryong tanong ni Phiel.
Walang sumagot sa kanya. Pagkakita niya sa kamay ni Zael na nakahawak sa braso ko ay tinapik niya ng malakas ito.
"Why are you holding her?" Ani ni Phiel at pinapagpag ang braso ko na hinawakan ni Zael. Tinatanggal ang bakas dito.
"Do not leave her alone next time kung ayaw mong may humahawak." Iritadong sabi ni Zael na ikinangisi ko.
What's with you, Zael? Hindi tayo magkakasundo lalo. I like you being rough but I don't like you acting like a dominant.
"At sino ka naman para utusan ako kung paano aalagaan ang kapatid ko?" Napabaling ako kay Phiel sa iritadong tono na iyon.
It is rare to see him mad or even irritated. Nakikita ko lang iyon kapag hindi niya gusto ang mga sinasabi ni papa. Phiel always give the lighter mood. You just pushed my brother's asshole button Zael.
Nanlaki ang mga mata ni Zael at humarap siya kay Phiel. Nangunot ang noo niya sa 'kin at ngumisi ako lalo. Yeah, meet my boy toy slash brother.
"Uwi na tayo Phiel. Drive. Masakit ang katawan ko." Sabay ang pagkunot ng noo nila sa akin. Pinaikot din ako ng Phiel at tiningnan kung may galos ba ako.
"Napaaway ka ba? Nasaan si Adriana?" Malay ko? Hawak ko ba ang buhok ng babaeng iyon?
"Somebody gave me a punishment." Sabi ko at sumandal sa balikat ni Phiel. I am sleepy.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
ActionScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?