Kabanata 11
LeaveKinabahan ako pagkapasok ng kwarto. Hindi ko naririnig ang pusa. Shit... ang anak ko.
Tiningnan ko ang ilalim ng kama at nang makitang wala siya doon ay dumoble ang kaba ko. Where are you, Abelia?
Pagtingin ko sa bahay niya ay iyon nalang ang ginhawa ko. Nasa bathroom siya ng bahay niya. Tahimik. Is she pooping?
"Your bowls are empty. You finished your meal huh." Sabi ko habang kinakamot ang ulo niya.
"You are a very good girl." Dinilaan niya ang kamay ko kaya ngumiti ako. She like being praised.
May nakalagay na panibagong tubig sa tubigan niya. Malakas siyang uminom kaya impossibleng hindi niya ito naubos. Somebody just filled her water bowl.
Malamang si Phiel.
Ikinwento ko sa kanya ang nangyari kanina. Tahimik naman siyang nakinig at sumasagot din paminsan-minsan.
Nang kumalam ang sikmura ko ay naligo ako at nagbihis. I need to eat my dinner.
"Hi! How's your day?" Tanong ni Phiel pagkarating ko sa mesa. Makatanong akala mo naman ay hindi kami nagkita kanina.
"Good." Sagot ko sa kanya at hahalik na sana kay papa pero pinaalis niya ako. Gaya ng dati.
Tumawa ako para mawala ang kunot ng noo ni Phiel. It's okay. I got this.
"Dadalhin ko ang apat na sasakyan at isa doon ang sasakyan mo Israphiel. Pupunta ako ng Agusan del Norte." Dad said. Hindi ko ito pinansin at kumain lang.
Dalawa ang sasakyan ni Phiel. Gamit niya ang isa at gamit ko ang isa. Tatlo naman ang kay papa. Madalas siyang umalis kasama ang mga bodyguards niya kaya kailangan ng maraming sasakyan.
Wala siya... yes! Tahimik na buhay!
Agusan del Norte is where my other brother's business is located. I don't really know much about business. Hindi rin naman sa akin naka-assign iyon. Good thing one of us can manage it.
"Pero walang sasakyan si Zike papa." Napatigil ako sa pagkain. Oo nga ano?
"That is her problem, not mine." Umirap ako. Of course.
"Alam ba ni kuya na darating ka doon?" Tanong ni Phiel.
"I need to see it bare, to fully trust Eillon. Kailangang hindi niya alam para makita ko kung ano ang aktwal na nangyayare sa lugar." Seryosong sabi ni papa.
Eillon is a great businessman. A damn great yet cruel one. He's older than me and Phiel. Magaling siya at kahit kailan ay hindi ko pa naririnig na pumalpak siya. So what's the need to check it?
"Papa paano muna si Zike? She need her own service." Umirap ako. Come on Phiel. I can manage.
"Isabay mo sa 'yo." Sabi ni papa. Nagliwanag ang mukha ni Phiel. Kumunot ang noo ko. No way.
"Yes! You will be with me and ---." Pinahinto ko iyon. No freaking way. I'm definitely not going to stay with you.
"I'll buy my own car." I said. Nanlaki ang mata ni Phiel. Yes ganoon ko kaayaw kasabay ka.
"You can just ride with Phiel, bakit kailangan pang gumastos?" Napakunot ang noo ko kay papa. Pera mo ba ang ginagastos ko? Hindi naman diba?
Ayoko rin kasama si Phiel. Baka may aids na ang kotse niya. Baka may makita pa akong panty at condoms doon so no. Super no.
"Bibili ako ng kotse bukas. That's final."
YOU ARE READING
Curse of the Wind
AcciónScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?