Kabanata 3

37 10 0
                                    

Kabanata 3
Nice to meet you

Paulit-ulit na titingin sa akin at magbubulungan. Iyan ang eksena nila ngayon sa escuelahan. Alam kong hindi iyon dahil lang sa maganda ako, may iba pang dahilan.

Inabot ko ang art na finished product sa kagrupo ko. Hinayaan ko siyang mamangha. Kaya ko binigay dahil ayokong may dala at ayoko ring ako ang magpasa. Wala ako sa mood.

Maliit lang rin ang bag ko, baka malukot pa. Ang laman lang nito ay Montblanc pen, extra shirt, underwear, yosi at ang tumbler ko.

"We will divide you guys in to two groups. Group 1 ang kanan at group 2 ang kaliwa. One will be defending the pro-life, which is the right of the fetus to be born and one is pro-choice, which is the right of the woman to have an abortion. Assign your leaders, kung ano ang mabubunot nila ay iyon ang idedefend niyo. May 15 minutes kayo to prepare. Go."

Boring. I wish I can eat grapes instead of listening to this crap.

Pro-choice ang napunta sa amin. May 1 minute bawat kampo upang ipahayag kung ano ang saloobin nila patungkol sa issue. Kahit sino sa grupo namin ay pwede magsalita.

"Malamang bible verse ang paulit-ulit nilang sasabihin. Ano naman ang atin?" Kabadong tanong ng isa sa mga miyembro namin.

"Kailangan kong pumasa. Yari ako kay daddy kapag bumagsak nanaman ako." Sabi ng isa.

"Just state the facts. Hindi naman masyadong matalino ang mga iyon. Kayang-kaya natin 'to." Sagot ng leader na halatang kabado din.

"You didn't answer her question." Singit ko. Lumingon agad silang lahat sa 'kin.

"This is a debate. We are going to state evidences to defeat the other company's word. At the same time, we need to persuade the professors. We need to show them that our side is better." Dagdag ko.

"Paano?" Halos sabay-sabay nilang tanong kaya umirap ako. Seriously?

"Napunta sa atin ang pro-choice. It means, the woman has the option to not keep the baby. In other words, abortion." Tinatamad na ako magsalita.

"Pero against ako doon! How can I defend something I am against with?" Tanong ng isang babae... na mukhang may anak na.

"May anak ka na ba?" Tanong ko.

Namula ang pisnge niya, dahan-dahan siyang tumango.

"Sino pa dito may anak?" Tanong ko ulit pero wala ng nagtaas ng kamay.

"Okay whatever. Isa ka sa alas natin. You experienced having a baby already. You need to state how hard that is and if only you can turn back time, you will abort it." Nanlaki ang mata niya at sunod-sunod na umiling.

"That's foul."

"We're going to lie?"

"Is that allowed?"

"Hindi ko yan sasabihin." Buong tapang niyang sabi.

"Well then, this is 60% of your grade. Is it okay for you to fail this subject?" I mocked.

In-assign ko silang lahat sa iba't-ibang angulo patungkol sa Pro-choice. Ako pa nga ang tumayong head at napapahiya na nakayuko lang sa gilid ang totoong leader. Hinayaan ko siyang namnamin na wala siyang dulot.

Ininuman ko ang tubig ko at nahagip ng mata ko ang isang lalake sa labas ng pintuan.

He's staring coldly at me. Tinaas ko ang kilay ko. Hindi ka ata galit ngayon?

He's wearing a charcoal-colored pants, at white long-sleeves na nakatupi hanggang siko, bukas ang unang dalawang butones nito. Bahagya siyang nakatagilid kaya kitang-kita ko ang malaki niyang hita at umbok ng puwet niya! He is hot!

Curse of the WindWhere stories live. Discover now