Kabanata 14
Lie"Saan mo siya nakita? At bakit mapula ang pisnge mo?" Salubong sa akin ni Phiel pagpunta ko sa kusina.
"Wala naman. Papa's in his room." I said.
"I know. I heard his car." Yeah at hindi ko narinig iyon. Soundproof ang bawat kwarto dito sa bahay. Punyeta.
"Why are your cheeks red?" Tanong niya ulit.
"Nothing." Sagot ko rin ulit.
Kapag sinabi ko ay baka magkasagutan pa sila ni papa. Ayoko ng ganon. Wala naman na akong pake sa sampal ni papa. It's not like it's new. Plus mali naman talaga ako. I entered his room without permission.
At nakita ko ang litrato ko doon. I am your daughter huh.
"Did your cat hypnotized you or something? Why are you smirking?" Tanong ni Phiel. Nagpakita naman ako ng blangkong ekspresyon.
"I'm not." I said.
"Yes, you are. Five seconds ago." Kunot pa rin ang noo niya.
"Meow?" Si Abelia.
Yumuko si Phiel dahil kinakalmot nito ang paa niya. Kinarga niya ito. My brother's hand is so huge. Nagmukhang fetus ang pusa ko.
"Where did you went girl? Your mommy got worried." Sabi niya habang nakaharap ang mukha niya sa pusa.
Hinawakan ni Abelia ang pisnge ni Phiel. Naduduling na siguro sa lapit nilang dalawa. Ngumiti si Phiel. I smiled too. Abelia is such a blessing. Napapangiti rin si Phiel sa kanya.
"Israphiel!" Sigaw ni daddy iyon. Napatalon ang pusa ko at nasalo ko naman ito. My cat's startled! Bakit kasi kailangang sumigaw?
"Papa, you're safe!" Tumawa si Phiel at lalapit na sana kay papa pero itinaas nito ang daliri. Pinapaalis si Phiel.
"Ano ang narinig ko kay William?" Iritang tanong niya.
Bakit mo kami tinatanong kung ano ang narinig mo? Malay namin? Tenga ba namin yan?
At tito William? Wow? Reporter?
"Do not cover up for your rebel sister." He marked. Looking at me with his dagger eyes.
"It's nothing dad. Naayos naman na po." Israphiel said. Hinawakan niya ang baywang ko at inilapit ako sa kanya.
"Really? Kahit wala ako ay alam ko ang nangyare! How dare you lie to me too!" Sigaw niya.
Alam mo naman pala ang nangyare bakit kailangan mo pa magtanong?
Kinalmot ako ni Abelia. Kinamot ko ang ulo niya kaya nanahimik ito. Ramdam ko ang talim ng tingin ni papa pero hindi ko ito pinansin. Bahala ka diyan. Buti pa itong pusa. Cute at tahimik.
"I am not lying dad. Tapos na nga po. We settled everything." Israphiel insisted. Kinalabit niya ang aking baywang. Nanghihingi ng tulong.
Mas gusto ko pang manahimik kaysa magsalita. Sarado ang pang-unawa ni papa pagdating sa akin kaya ayoko ng mag-aksaya ng laway.
"You sent more than 10 person in hospital! Baka nakakalimutan mong nandito ka sa akin? Act like you belong here!" He shouted.
"They started it." Sagot ko. Piniga naman ni Phiel ang baywang ko. Kinakabahan siya. Tinanggal ko ang hawak niya.
Nanghihingi ka ng tulong kanina tapos ngayon ayaw mo akong sumagot? Hello?
Tumango ako kay Phiel. Sumasagot siya kay papa pero kinakabahan pa rin siya kada sagot niya. Siya lang sa aming magkakapatid ang lumaki sa pag-aalaga talaga ni papa kaya malamang. Mas kilala niya ito.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
ActionScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?