Kabanata 12
Box"Good morming miss, sorry to interupt your class. Miss Fermossel, a student of yours is needed at the Dean's office." This girl is familiar. Nakita ko na siya sa opisina ni Diamond.
Sabay-sabay na naglingunan sa akin ang mga kaklase ko at nagbulungan na parang wala ako sa loob ng silid.
Tahimik ang mga araw ko noong nakaraan a. Ano kayang meron?
"You can go." Saad naman ng teacher na hindi ko pa rin kilala hanggang ngayon.
Thanks for excusing me Diamond or whoever did. Wala ako sa mood makinig e. Not that I listen to the professors back then though, basta wala ako sa mood.
"Dean, nandito na po siya." Sabi ng babaeng ito pagkatapos pindutin ang Intercom.
"Let her come in." Malalim ang boses na iyon. Si Diamond nga. Seryoso. Not the usual happy-go-lucky Diamond I know. Akala ko ba si Dean ang nagpatawag?
Bumungad sa akin ang mga babaeng hindi ko kilala pero pamilyar, matandang babae at lalake na mukhang mag-asawa, isa pang babaeng nakawheelchair na pamilyar rin, si Adriana na kinukulot ang buhok at si Phiel na nakakunot ang noo. What? Wala akong ginawa.
Tumabi ako kay Phiel.
"Kumain ka na ba?" He asked gently.
"You were not told to sit down Miss Fermossel." Ani ni Diamond.
"Walang silbi ang upuan kung walang uupo." Sabi ko at sumandal. Bumuntong hininga si Diamond at ang dean.
"It's her, mommy." Said the girl who look like she entered a frat. I smiled at her, napakapit siya sa babaeng tinawag niyang mommy.
"I want her in jail too." Who? Me? That's cute.
Tumawa ako. Tumayo ang ina niya at nagtangkang sugurin ako kaya itinaas ko ang paa ko at tumama ito sa puson niya.
"Bumalik ka sa upuan mo. Ayoko ng hinahawakan ako." I said.
Hinila naman siya ng babaeng bugbog sarado ang mukha.
"Do you have anything to explain Fermossel?" Tanong ni Dean.
"Explain to me why I am here first." Kayo ang nagpatawag sa akin at ako pa ang magpapaliwanag? Ayos.
Iniharap niya sa akin ang video sa nangyari noon sa cafeteria. Tapos na 'to diba?
"Didn't we settle this dean?" Tanong ni Phiel.
"Yes. But this one isn't settled." Sabi niya at may kung anong pinindot sa laptop.
Kuha ito mula sa Dash Cam. Kitang-kita ang pagpalo nila kay Adriana at ang mga sumunod na nangyare doon sa Parking Lot.
Rinig ko ang hikbi at singhap ng mga babae sa gilid. Mas malakas ang iyak ng kanyang ina. Pilit pinapatahan naman ito ng lalaking asawa niya.
"I want her in jail for what she did for my daughter! Hindi nga namin ito sinasaktan tapos sasaktan ng iba! Jesus!" Aww... ang cute naman.
"I want her and that girl expelled! Hindi makatao ang ginawa nila!" Sabi pa ng lalaki habang nakaturo rin kay Adriana.
Sumandal ako sa balikat ni Israphiel at humikab. I am hungry na.
"Zike, say something." Sabi ni Diamond.
"Let her rest. Pagod siya." Si Adriana ang sumagot.
"This will make both of you in trouble." Giit ni Diamond.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
ActionScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?