Kabanata 21
Estranghero
Huminga ako ng malalim muna bago lumabas ng kwarto niya ngunit kahit anong hingang malalim ko ay nakikita ko ang likuran niya.
Bakit? Bakit hindi iyong harap?
Minura ko ang sarili dahil sa naisip kong iyon. The fuck.
"Sit down." Sabi niya pagdating namin sa kusina nila.
Tahimik ko siyang sinunod. Bakit parang ako pa ang mas nahihiya eh ako ang nakakita ng pwet niya?
Well, he know that has a well-built. Bakit nga ba siya mahihiya sa ganyang katawan? Mayabang!
"Where's Zachary?" Kunwaring tanong ko kahit na sabi nga nito sa akin kanina na aalis siya kaagad. Man of words.
"Umuwi na." He stated blankly.
"Bakit hindi dito natulog?" Wala lang. Gusto ko lang magtanong. Bakit ba?
"This is my house. May sarili siyang bahay. Eat up." Utos niya. Tumango naman ako.
Halos kainin ko na pati kutsara sa sarap ng ramen na 'to. Saan niya 'to binili? Sinong gumawa? Ang sarap!!!
O ganito talaga kapag gutom?
"Marami pa 'yan. Don't rush." Bahagya akong nahiya sa sinabi niya. Bahagya lang talaga kasi hindi ko ulit siya pinansin. Bahala ka masarap 'to.
"Sinong gumawa?" I want to put this as my daily meal in life. Kailangan ko 'to para mabuhay!
Tahimik niyang nilalagyan ang bowl ko ng panibagong laman. Ngayon ko lang napansin na ako lang pala ang kumakain. Ayaw niya? Edi huwag. Kaya ko ubusin.
"Masarap?" He asked. Nakangiti siya. Why is this creature smiling? Kanina lang ay masungit.
Sunod-sunod ang tango ko sa kanya at kumakain pa rin. Ang sarap talaga! Anong meron sa ramen na ito at parang nababaliw ako?
"Give me the calling card, kung sino ang gumawa nito. I need it." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Tumango naman siya at hinayaan akong namnamin ang sabaw.
Aaaaaah! Saraaap!
Alam kong nakatingin siya sa akin habang kumakain ako but that's the last of my concern. Maganda naman ako. Bakit ako mahihiya?
"I'm done." Sabi ko at pinunasan ko ang labi gamit ang tissue sa gilid.
Kinuha niya ang bowl ko at nilagay sa lababo. Is he going to wash it himself? Ano ngayon? Bisita naman ako. Siya ang nagdala sa akin dito.
"Do you have fruits?" Tanong ko. I need it.
"Refrigerator." Aniya at naghugas nga. Siya lang ba ang gumagawa ng gawaing bahay mag-isa?
Nangunot ang noo ko pagbukas ng ref niya. Ang halos 30% nito ay puno ng grapes. Gusto niya rin ito?
"You like grapes too?" I asked. Kinuha ko isang balot. Ito nalang ang kaya ko dahil busog na busog na ako.
"Hindi masyado." Sagot niya.
Tinitigan ko ang likod niya at minura ang sarili nang maalala ang hubad na nakita ko kanina. Hindi ko alam kung matatanggal pa iyon sa isipan ko.
O ayaw ko ring tanggalin.
No. Tatanggalin ko talaga.
Weh?
Damn.
"Bakit ang daming grapes diyan kung hindi mo naman masyadong gusto?" Takang tanong ko sa kanya para mawala ng kaunti ang iniisip ko.
Hindi niya ako sinagot. Suplado.
"Where are my keys?" I asked him. Tinuro niya naman ang table ng vase sa gilid. Okay.
Kinuha ko ito. Ramdam ko ang titig niya sa akin habang naghuhugas pero hindi ko siya pinansin. What do you want?
Tahimik akong kumain. I like his house. Magaling siyang magdesign ha. It's my second time here right? Nakakamangha pa rin.
"Are you done?" Tanong niya sa akin at kinuha ang plastic na lalagyan noong naubos kong grapes. Tumango naman ako. Niligpit niya ulit ako.
Dati ba siyang katulong? I mean, I can do alot of household chores. Bakit parang inaako niya naman ata ang lahat?
"Dati ka bang katulong?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong.
Tumawa siya. Tumayo ang balahibo ko roon. What the fuck? Ang gwapo!
Hoy Mazikeen ikalma mo hormones mo.
"Do I look like one?" Maangas niyang tanong. Nagkibit balikat naman ako.
"Ligpit ka ng ligpit eh." I said. Ngumisi siya.
Nawawala ako sa sarili kapag nakikita ko ang ganyang ekspresyon niya. Alam kong mali ang nararamdaman ko. Maling mali. Mali talaga.
Pero malakas ang pintig ng puso ko.
"I like my house clean." Tumango ako sa sinabi niya. Sabagay. Wala nga naman akong nakita na dumi sa bahay na 'to.
Tumapat siya sa akin. Tinabingi ko ang ulo nang kagatin niya ang labi niya. What?
YOU ARE READING
Curse of the Wind
AksiScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?