Kabanata 6
White pussyNagising na si Magdalena at na-lift rin ang suspension ko. Makakapasok na ako. Actually papunta na akong school ngayon.
Madaming tumitingin sa akin kahit na hindi ko sila pinapansin. Natural na maganda ako pero alam kong kaya sila lumilingon ay namumukhaan siguro nila ako.
Wala rin naman akong pakialam.
Sunod-sunod ang klase at lahat iyon ay tinulugan ko. Wala rin namang nagtangka na gumising sa akin. Takot siguro.
Library time. Tahimik silang lahat. Malamang library nga e. May biglang humila sa akin. Paglingon ko ay si Adriana iyon. Nilagay niya ang hintuturo sa labi niya. Pinapatahimik ako kahit na wala naman akong balak magsalita.
"What is it?" I asked pagkarating namin sa rooftop.
"Alam ko namang ayaw mo pumasok doon. Kaya dinala kita rito." Maligaya niyang sabi at naglabas ng grapes. Kinuha ko agad iyon.
Madami siyang kinukwento patungkol sa kuko niyang kulay kalawakan. May mga reklamo din siya sa buhok niyang maayos naman tingnan para sa akin. Ang daming sinasabi ng babaeng ito.
"Silence." I said.
"Ha?" Takang tanong niya.
"I want some silence." Nakuha niya naman iyon at imaginary na sinarado ang bibig niya na akala mo ay may zipper ito.
Wala pang five minutes ay bumukas naman ang pintuan.
"Zike!!!" Sigaw ng papasok na si Easton na may dala nanamang pagkain.
"I only bought burgers. Kasi iyan lang din ang kinuha mo last time. Get some!" Alok niya sa akin ng paper bag.
"Hay thank you, nakakagutom pala talaga ang hindi pagsasalita!" Ani ni Adriana at kukuha na dapat sa paper bag pero nilihis ito ni Easton sa kanya.
"Sino ka?" Tanong ni Easton.
"Excuse me?" She sound offended. Natawa ako.
"Okay excuse me, may sinabi ba akong kumuha ka sa pagkaing ako ang may bili?"
"Pero madami yan! And I am starving!" Galit na sabi naman ni Adriana.
"Hindi ka pa rin nagpaalam. I don't even know you. Where are your manners?" Takang tanong ni Easton.
"Okay, I am Adriana Reatiraza. Pwede na bang pahingi?" Sarkastikong tanong niya.
"Let me think of it." Nilagay ni Easton ang daliri sa utak. Na akala mo meron. "No." Sabay sabi niya.
"You are annoying." Ngiwi ni Adriana.
"My name is Easton. Not annoying." Pang-bi-bwisit pa noong isa.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Is this what they call a nonsense conversation?
Kinuha ko ang paper bag at kumuha ng dalawang burger doon. Kukuha ulit sana si Adriana pero nilihis ulit iyon ni Easton. Nag-away ulit silang dalawa. Hinayaan ko nalang din. I guess, hindi ako mabibigyan ng tahimik na buhay ngayong araw.
Patuloy silang nag-aaway nang may marinig akong pamilyar na tunog ng hayop.
"Stop." I said.
"What?" Sabay nilang sigaw. Iritado sa akin.
May narinig ulit akong tunog. This time. Mas malinaw.
Sinundan ko ang tunog na iyon. Tahimik din naman ang dalawa na nakasunod sa akin. Narinig din siguro nila.
"Seriously, what ---." Hindi ko alam kung anong ginawa ni Easton basta tumahimik bigla si Adriana. Sinakal niya siguro.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
ActionScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?