Kabanata 25

9 3 0
                                    


Kabanata 25

Okay


"Pumasok kayo sa loob." Sabi ko sa mga kaklase ko na nasa labas. Napapahiya naman silang sumunod.

"Israphiel, pumasok ka din sa loob." Utos ko.

"At bakit ---."

"Pumasok ka sa loob!" Sigaw ko sa kanya. Padabog naman siyang pumasok.


May baril ang nakatitig sa aking likod. Ramdam ko ang init nito sa aking batok. Kung magpapaputok siya ay matatamaan ang aking kapatid. Hindi pwede iyon.


"Nagmamakaawa ako sa 'yo!!! Palayain mo na sila!!!" Sigaw ng matanda.


Tumawa ako doon. Everything's safe now. Kahit barilin mo na ako ay okay lang. Basta huwag si Phiel.


"Umalis ka na. Wala kaming magagawa." I said.

"Anong wala! Eh kayo ang nagpakulong..." Hindi niya ito natapos. Hinihingal siyang napaupo at napahawak sa dibdib.

"Misis? Are you okay? Misis? Naririnig niyo po ba ako?" Singit ni Phiel na lumabas na pala.

"Pumasok ka sa loob." I commanded.

"May pasyente dito!" Sigaw niya sa akin.


Sa gigil ko ay kwinelyuhan ko siya at itinulak sa pintuan ng silid para pumasok siya ulit. Alam kong maraming nakatitig pero wala akong pakialam. Mas gusto kong pangit nalang ang tingin nila sa akin kaysa masaktan ang kapatid ko.


"Dito ka lang. Utos ko iyan." Giit ko sa kanya.

"I swear an oath. Walang pipiliing kalingahin at hindi ikaw ang mag-uutos sa akin kung sino ang dapat gamutin!" Tinabig niya ang kamay ko pero mabilis ko siyang nahila at ihiniga. Umibabaw ako sa kanya.

"Israphiel Tien Fermossel, kapag umalis ka sa silid na ito ay papatayin ko ang ama mo." I threatened.

"How dare you!" Nag-asta siyang tumayo kaya naman hinigpitan ko ang hawak sa kwelyo niya.

"Alam mo ang trabaho ko. Huwag mo akong susubukan."


Sumalamin sa mata ng aking kapatid ang pagkainis at pagkadiri sa akin. Wala akong pakialam doon. Kung gusto mo akong awayin habambuhay ay wala akong pakialam basta alam kong buhay ka.


"Zike!" Tawag ni Adriana.


Paglingon ko doon ay bumagsak ang matanda. Pagkalabas ko ay iyon na lang ang gulat ko ng may maghagis ng kutsilyo sa amin!

Ang isa ay nasalo ni Adriana. Naiwasan ko ang isa at nakatarak ngayon sa baywang ng matanda ang isa.

Nagsitilian ang mga kaklase ko at nagsiatras mula sa amin. Sinamaan ko ng tingin si Phiel nang magtangka siyang lumabas.

Wala kang magagawa dito. Wala.

Kung sakali pang hinayaan ko siyang buhayin ang babaeng ito ay mamatay siya. Sa akin itinarget ang mga patalim. Dito dapat ang posisyon ni Phiel. Wala ring silbi kung bubuhayin niya ang babae dahil papatayin lang din naman!


"Guard Israphiel." Utos ko kay Adriana.
Nakatingin ako kung saan galing ang mga patalim.

"Paano ---."

"Pumunta ka sa kanya!" Sigaw ko. Mabilis namang pumunta si Adriana sa kapatid ko.


You need to keep my brother safe.

Ang matandang babae ay nakahandusay ngayon at nagkalat ang pulang dugo niya sa puting baldosa. Hindi ko na kailangan tingnan ang papulsuhan dahil sa dami ng nabawas na dugo ay malamang patay na.

Nasalo ko ang panibagong kutsilyong inihagis patungo sa akin. Binaligtad ko ang hawak doon at ibinato sa kung sino mang putanginang bumato rin noon.

Nakapula itong jacket. Malayo ito sa akin pero dahil sa mata ko ay mabilis ko siyang nahagilap. Ngumisi ako nang makitang nakatarak sa kanyang balikat ang kutsilyo.

Kilala kita.

I smiled widely when he saw me. Nanlaki ang mata niya at tumakbo palayo.

Putangina ka ha.

Bakit hindi mo nalang ako binaril? Ano 'yun props? Tanga amputa.

Habang pinapatagal mo ay lalo akong nanggigigil.



"Call the police. She's dead." Lingon ko sa guro na nanginginig. Nakatulala ito.

"Can somebody call the police? Hello?" Pumitik ako sa mga kaklase kong nakatulala.

"You killed her." Rico whispered.


Tinaasan ko siya ng kilay. Tingnan mo ang tangang putanginang 'to.


"You killed her!" Sigaw niya.

"Sino ang tangang 'to?" Adriana fired.

"Nakita mong muntik na rin siyang mamatay tapos siya ang pumatay? Mahigit milyon ang tuition tapos ganyan ka kabobo?" Adriana spat. Tumawa ako doon. Ang mga kaklase ko ay napatingin sa akin na nagtataka.

"You almost died and you're laughing?" Somebody asked.

"I'm still alive. Kailangan ko bang umiyak?" Sarkastiko kong tanong.

"Uuwi na tayo. Adriana dalhin mo si Phiel sa bahay." Utos ko. Tumango naman ang babae.

Curse of the WindWhere stories live. Discover now