Kabanata 2

45 10 0
                                    

Kabanata 2

Drive Safely


Tinali ko ang buhok ko ng maayos at tinitigang mabuti ang mukha ko sa salamin.

I look very bewitching... yung tipong kapag madadaanan mo 'ko hindi na maaalis ang mata mo sa'kin.

I got my mom's feature. That's why while growing up, I don't need to introduce myself anymore. Unang tingin palang ay kilala na nila akong lahat.

Bumagay sa hugis ng aking mukha ang bagsak at mahaba kong buhok na kasingitim ng langit tuwing gabi, natural na maganda ang aking kilay at itim na itim din ito, mapula't nakakaakit naman ang labi ko, panghuli ay ang aking ilong na animoy hinulma nang napakahabang panahon para maidagdag sa mukha kong perpeksiyon. Napakaganda ko.

Alam agad nila na anak ako ni Dafrosa. Kamukhang-kamukha kita mama.

There's only one person in this world who hates to see me. Asterio Fermossel. My papa.

Ang sabi sa'kin ni Phiel, baka hindi pa daw nakakamove on si papa. My mom died after giving birth to me. That's what they said. That's why dad hates me too.

At pakiramdam ko ay mas nakadagdag sa galit niya ang mga mata ko. Berde ito. Katulad ng sa kanya. Sa aming magkakapatid ay ako lang ang nakakuha ng kulay ng mga mata ni papa.

"Let's go downstairs. It's time for supper." Ani ni Phiel at pumasok sa kwarto para halikan ako sa ulo.

Sabado ngayon at kada weekend ay kailangang magsalo-salo kaming mga miyembro ng pamilya na walang importanteng ginagawa. Yun ang patakaran sa bahay.

Hindi pa namin napaguusapan ang tungkol sa kaibigan niya pati na rin ang lalake sa library na hindi namatay-matay. Mamaya nalang siguro.

"You mean it's time for me to suffer?" Tawa ko na ikinanuot ng noo niya.

"Is that supposed to be funny?" Inirapan ko siya. Where's my playful brother at?

"Tara na."

Papuntang kusina ay tahimik pa rin si Phiel. Kala mo talaga may isip para mag-isip e.

Sabay kaming huminto nang tumapat na kami kay papa. Humalik si Phiel sa pisnge ni papa at hahalik na rin sana ako kaso tinaas niya ang mga daliri niya, pinapaalis ako. Gaya lang ng dati.

Ramdam ko ang kunot ng noo ni Phiel, umiling ako. Sanay na'ko.

"How's school?" My papa has the deepest male sound I've heard. Full of control and authority.

"Okay na---."

"Phiel?" Dagdag niya kaya napayuko ako at kinagat ko ang labi ko.

Whatever. Ang importante may pagkain.

Tahimik akong nagsandok ng pagkain at hinayaan silang mag-usap na parang wala lang ako dito.

Again, ang importante may pagkain.

"I heard what happened yesterday about Mr. Reyes."

Tinitigan ko si papa na ngayon ay nakatingin sa akin, do I need to know who that is?

"The man you almost killed." Tinagilid ko ang ulo ko, nagtatanong.

"I didn't ki---."

"Did I say that you can talk?" Aniya sa isang mababa ngunit may babalang tono.

"Papa stop it." Singit ni Phiel.

"I'm going to ask you, answer me honestly. Why do you want to kill that man?" I smiled at him, kumunot ang noo niya.

Curse of the WindWhere stories live. Discover now