Kabanata 17
Finally"Papa, she did the right thing! She defended herself! Nakita mo naman sa video!" Rinig ko ang pamilyar na boses ngunit nanatili akong nakapikit.
"Dumugo ang kamay noong lalake! She attacked him too!" Giit naman ni papa.
"Because he will shoot her again if she didn't do that!" Sagot ulit ni Phiel.
Nanatili akong nakapikit habang pinapakinggan silang nagtatalo. Parang ayaw ko ng gumising.
"Dapat ay nakakulong din ang lalaking iyon. Pasensiya na Asterio. Nakatakas siya habang papuntang kulungan." Oh wow. Tito William is here too.
"Search the grounds. I want him in jail." Nanatili akong nakapikit kahit na kilala ko ang boses na iyon. They called them.
"Pasensiya na sa ginawa ng anak ko. It will not happen again." Narinig ko ang pagpatay ng tawag at pagtapon ni papa sa laptop ata na gamit.
"Laging gumagawa ng gulo ang batang iyan! Dapat ay hindi nalang siya umuwi dito!" Sigaw ni papa.
"I told you she only defended herself!" I want to hold Phiel and make him shut up but I don't want to wake up yet. Ayoko muna.
"Tito, Zike will never do something impulsive. Kilala natin siya at ---." Malakas na sampal ang nagpahinto kay Adriana.
"Wala kang karapatan magsalita. Bastos." It was his dad. Sinampal siya ni tito William.
"If you only did your mission. This wouldn't happen!" Sigaw ni tito.
"I'm sorry." Her voice cracked.
Lumunok ako. Alam ko kapag minulat ko ang mga mata ko ay mapapagalitan sila. Mas mapapahaba ang usapan. Huwag na. Masyado na.
Narinig ko ang yabag paalis ng mabibigat na sapatos. Dad and tito left.
Malamig na kamay ang humawak sa akin. Muntik pa akong gumalaw!
"I'm sorry. Sana hindi kita hinayaan umalis mag-isa." It was Adriana.
I can feel the droplets on my arm. She's crying.
Why do people always get involve with me? Hindi ko naman hiniling ito.
"It's not your fault. Alam mong hindi gusto ni Zike ang ganyan. Get over it." Phiel...
Narinig ko pa ang mga singhot niya. "Okay, I'm sorry."
Someone kissed my forehead. "Please wake up faster." Phiel whispered.
Sabay sila ni Adriana na lumabas ng kwarto at nang alam kong malayo na sila at wala ng ibang nandito ay dumilat ako.
Purong puti ang kwarto. Almost like a hospital room but no. This is our mansion's room. Dito dinadala ang mga may sakit sa aming pamilya. Like our own quarantine area.
Ginalaw ko ang balikat ko. Kumirot ito ngunit pinilit ko. How many hours did I sleep?
Mabilis akong nakatulog rin. Dumilat at nakita ang orasan na ito'y nasa 11 na. How many hours am I here?
Pumunta ako sa kwarto. Tahimik ang bawat hakbang ko. I want to sleep comfortably. I want my own room and I need to see my cat.
Tumalon si Abelia sa akin at sumiksik agad pagkabukas ko palang ng pinto. Niyakap ko rin agad ito.
"I missed you too." I whispered. Mas lalo siyang sumiksik sa akin. I'm lucky to have you Abelia.
"Meow." Hiniga ko siya sa aking kama. Dahan-dahan din akong humiga dito.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
ActionScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?