Kabanata 31
Epistles
Nakatulala si Phiel sa amin. Adriana maintained her resting bitch face.
"You're lying!" Phiel shouted.
Tumawa si Adriana doon. Iyon bang tawa na bakit ang tanga mo tawa, ganoon.
Padabog na kumalampag ang pintuan. Iniluwa nito si papa na mabilis dinaluhan si Israphiel. Adriana stepped backwards.
"What's happening?!" Taka niyang tanong at sinubukang iangat si Phiel ngunit walang tumulong sa kanya.
"Papa!" Naiiyak na tawag ni Phiel. Umirap ako. Ang tapang mo kanina ah?
"Ano ba! Patayuin niyo ang anak ko!" Sigaw ni papa.
"Ask him why he's kneeling first." Adriana said.
Takang tumingin si papa kay Phiel. Nang-uusisa na ngayon ang mukha.
"What did you do?" Tanong ni papa.
"I did nothing! Pinatay nila ang lalaki na walang kalaban-laban tapos pinaluhod ako ni Adriana!" Phiel exclaimed.
"She won't do that unless you did something." Ani ni papa.
Nanlaki ang mata ng aking kapatid at hindi makapaniwalang lumingon ito sa amin. Nagkibit-balikat naman ako.
Tanga ka kasi, Israphiel.
One thing that I like about our government is that no one, as in no one will be on your side if you did something wrong. They will abandon you. In a snap, they will turn their backs on you. Even the people that you think will stay, will leave you. Walang sinasanto ang batas namin. Wala.
Kapag nagkamali ka, paalam na. We have no room for mistakes.
Kasi kung mayroon man ay marami pa sana ang buhay ngayon. Pero hindi. Dahil may mga taong hindi na talaga karapat-dapat bigyan pa ng ikalawang pagkakataon para makalanghap pa ng hangin.
"Papa! Anak mo ako!" Sigaw ni Phiel. Na akala mo iyon na ang ticket para makatayo siya sa pagkakaluhod niya.
"What did my son do?" Kalmadong tanong ni papa kay Adriana.
"Disrespected me." She responded.
Yumuko si papa. Simbolo ng paghingi ng tawad. Honoring the position of Adriana.
"Papa! Anong ginagawa mo! Sino ba siya para gawain sa 'tin 'to! Fermossel tayo!" Ani ni Phiel.
Matalino si mama at papa. Halos kaming lahat sa pamilya. Akala ko noon ay ampon ako pero noong nakita ko ang larawan ko sa damitan ni papa ay napatunayan kong hindi naman. Matalino kami lahat pero anong nangyayare kay Phiel?
Saan galing ang utak mong walang saysay Israphiel?
"Papa! Ano ba! Bakit ka ganyan! Anak mo 'ko!" Sigaw ni Phiel.
"Tahimik." I said.
"Isa ka pa! Sino ka ---."
"Tahimik!" Sigaw ko sa pagkarindi.
Natulala siya sa akin. Sinenyasan ko ang mga guwardiya na bitawan siya. Walang awang bumitaw naman ang mga ito at sumubsob ang kapatid ko sa sahig.
Taka niyang tiningnan si papa. Nanghihingi ng tulong ngunit ito'y nanatiling nakatingin lamang sa kanya. Ni hindi nagpapakita ng awa.
Nakikita mo na ba Israphiel? Kung gaano kalayo si papa sa 'yo?
"Papa..." He whispered.
"Stand up." My father said.
"Pa..." Halos naiiyak na tawag ng kapatid ko.
Pinikit ko ang mga mata ng mariin. Everything that you're seeing right now must be different from the one you saw, Israphiel. Iyon bang akala mo na ang tao kaso hindi pa pala.
Parehas lang tayo Phiel. Akala ko kilala na kita, hindi pa pala.
"Tayo, anak." Papa commanded.
Umiling si Israphiel at dahan-dahang tumayo kahit na nanginginig ang tuhod. Mabilis namang umalalay si papa sa kanya.
"Huwag mo akong hawakan!" Aniya kay papa. Mabilis naman siyang binitawan ng ama ko kaya napasalampak siya ulit sa sahig.
Mabilis kausap si papa, tanga.
"Kadiri kayo." Israphiel said.
Hindi namin iyon pinansin. Adriana looked at the dead guy and then to the guards.
"Incinerate him." She commanded like a boss.
"What!? No!" Sigaw nanaman ni Phiel.
Sinamaan ko ng tingin si papa at tumingin siya kay Phiel na parang nahihirapan.
"Papa! They will burn him alive! They ---."
"This is for you." My papa interupted.
"Ha?" Maang ni Phiel.
Itinurok ni papa sa binti ng aking kapatid ang injection na galing sa kanyang likod. Pagkatapos ng tatlong segundo ay nawalan na ng malay ang kapatid ko.
You've seen things that are traumatic already Israphiel. Let's end your panic here.
Binuhat ni papa ang aking kapatid na parang sako at umalis na. Adriana and I starred at the expired body.
"Incinerate." Utos ulit nito.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
ActionScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?