| Sonneillon Fermossel |
Kabanata 33
Hi
Pinasok ko ang kwarto ni Phiel. Wala akong natagpuan doon na mas lalong nagpabanas sa akin.
They keep on doing their stupid tricks.
Little did they know...
Sumunod naman sa akin si papa at pilit na humahawak sa aking kamay pero binabalibag ko rin. Putangina huwag ngayon.
"Anak..." He held my hand once again.
"Huwag mo sabi akong hawakan!"
Tinawag mo lang akong anak kasi may kailangan ka. Tinawag mo lang akong anak kasi natatakot ka at ako lang ang makakatulong sa 'yo.You only acknowledge me as one of yours when you need me. That's not how it should, papa.
Napalayo siya sa akin. Paglingon ko sa gilid ko ay nakita ko ang napakalaking salamin ng kapatid ko. I saw me and my Dad's green eyes on our reflection. Nabadtrip ako doon at malakas na sinapak ang salamin.
I never wanted your eyes papa. But you gave it to me. I never wanted your position. But you gave it to me. I made it higher and stronger, now everyone's terrified of me.
Kita ko ang pagnginig ni papa sa likuran ko. Scared of your daughter again? Funny. Nakatitig siya sa aking kamao na puro dugo at may munti pang basag mula sa salamin.
I don't feel any pain.
I can't feel any pain.
I am just fuming.
Kapag nagkasugat ang kapatid ko, kahit maliit na sugat lang ay lahat ng katawan mo o ninyo ay may latay.
"Tell me what exactly happened." Ani ko sa mga guwardiya.
"Magsalita kayo!" Sigaw ko na ikinabahala nilang lahat.
"Ako na." Papa interupted.
"May karapatan ka bang magbitaw ng kataga pagkatapos ng iyong ginawa?" I mocked.
Natahimik lalo ang lahat. The dangerous power of mine scattered on the room and everybody felt it. Adriana on the other hand, is calm as ever. That's her work. I can't bash her.
Itinuro ko ang pinakamalapit na guwardiya sa akin at pinagsalita. I grabbed his firearm using my wounded hand and made him kneel.
"You're bleeding..." Puna ni Adriana sa aking kamao.
Kumilos ang tatlong guwardiya at kumuha ng mga kung ano-ano. Si Adriana lang ang may lakas ng loob na hawakan ako at dampian ng kung anuman ang kamao kong may mga piraso pa ng bubog galing sa salamin.
Tinanguan ko ang tauhan para magsimula na siyang magsaad.
"Ako po ang punong taga-bantay sa may garahe." The old man started with our own language.
"Gaya ng dati naming ginagawa. Kapag may dumadaan ay itinataas namin ang ngalangala ng entrada. Ang ama niyo ay nagtangkang umalis subalit nang nasa may malayong hapit na siya sa inyong bahay ay pinahinto siya ng mas nakakatanda niyong kapatid."
Saan ka naman pupunta, Asterio?
"Malayo na sila sa amin ng kaunti. Ang bantay sa may bulaklakan ang pinakamalapit sa kanila at ito rin ang nasawi ngayon. Ang inyong ama ay nagpumilit na magpatuloy ngunit pinipigilan pa rin siya ng inyong kapatid. Hindi namin alam ang dahilan. Hanggang sa may mga taong nakaharurot ang kotse na dumating."
Israphiel is not letting him go. Why?
"Nakipagpalitan ng putok ang mga kapwa ko. Ang ama nila ang inyong pakay ngunit hindi nila mabuksan ang pintuan ng sasakyan niya kaya ang kapatid ninyo ang dinukot bilang kapalit." Paliit ng paliit ang boses nito.
Ibang klaseng inis nanaman ang naramdaman ko.
Kwinelyuhan ko si papa at agad na naalarma ang mga tauhan pero wala ni isa ang nagbitaw ng salita.
"Bakit gusto mong umalis?" Tanong ko dito.
"Gusto ko lang magpahangin!" Sigaw niya na mas ikinabas ko.
"Sa mala-kastilyong bahay na ito ay gusto mo pang umalis at magpahangin!?" Nang-iinsultong tanong ko.
Sandali siyang natigilan. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko na nakahawak sa kwelyo niya pero mas hinigpitan ko rin ito.
"Nang dahil sa putanginang nais mong magpahangin ay dinukot ang anak mo!"
YOU ARE READING
Curse of the Wind
AzioneScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?