Kabanata 29

8 3 0
                                    

SPG!!!

Kabanata 29

Maingay


"Anong nararamdaman mo?" Panimula kong tanong.


Naglakad-lakad ako sa kanyang kwarto. Almost everything is similar to my room. Kulay asul lang itong kwarto niya. May mga posters at designs samantalang ang akin ay wala.


"I'm getting better..." He whispered.

Tumawa ako doon. "You are perfectly fine already."

"No, I'm not!" He screamed.


Nilagay ko ang hintuturo sa aking labi. Pinapatahimik siya.


"I told you. Your door isn't locked." Ngumisi ako.


Nagpatuloy ako sa paglalakad at pagsuri ng mga bagay na mayroon ang kanyang silid. Rinig na rinig ko ang bigat ng kanyang paghinga.

Israphiel...


"Alam mo ba ang pinakamababang parusa na ibinibigay ng gobyerno natin?" Bulong ko sa kapatid.


Binuksan ko ang isang cabinet at nakita ang mga condom niya. Ngumisi ako. That's the Israphiel I know.

Far from the Israphiel that I'm about to know.


"Ano?" Halos mabulunan siya sa sariling laway sa pagkautal.

"Depende sa ginawa syempre." I told him.


Binuksan ko pa ang iba niyang mga gamit at nakitang puro wire ito at ibang cards. Hmm. Nothing.


"Stop touching my things!" He shouted again. I laughed.

"Okay." Sabi ko at bumalik sa massaging chair niya.

"This is a new side of yours, brother." I grinned. Kita ko ang pagnginig ng kanyang kamay na nakahawak sa kumot.

"Kapag may nakita kang ginawa ng isang tao na labag sa ating batas at hindi mo sinabi sa mga kinauukulan. Tatanggalan ka ng pagkakataong makakita." Sabi ko.

"Kapag pumatay ka ng tao at wala kang magandang rason kung bakit mo ito ginawa ay papatayin ang buong angkan mo." I watched my brother's reaction closely.

"Kapag may kinuha kang hindi iyo... puputulin ang mga kamay at paa mo."


Kitang-kita ko ang pagkabahala ng aking kapatid. Bawat hinga niya at tumatalim at rumarahas. Bakit? Hindi ko pa sigurado. Tingnan natin.


"Our government has the most cruel decree, judgment and comeuppance Israphiel." I continued.

"Our father ensure that the people has their basic needs when it come to their health. Medicine, technology, healthworkers, Papa made it. Papa trained them." Pagsisimula ko.

"The eldest Fermossel controls the law. Our own highest ruler. He make sure that everything and everyone is with convention. He secure our government's commandments." I said.

"The second Fermossel insert his dominance in the line of trading and dealing. The master of transaction. He has the full authority on what goes in and out from our government's land."

"Bakit mo sinasabi sa akin ito?" Pagputol ni Phiel.

"Para alam mo." I smiled at him. Mas kumunot ang noo ng aking kapatid.

"Hindi normal ang mundo natin Israphiel. Isa kang Fermossel." I said.

"Hindi ako parte ng gobyerno niyo!" Sigaw niya.


Tumawa ako doon. Iyong tawa na nakakabaliw kapag narinig. Iyong tawa na nakakainsulto. Iyong tawa na nakakatapak ng pagkatao.


"Hindi ka talaga parte dahil wala kang kakayahan." I mocked.


Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Hinila niya ako patayo at mabilis ko rin siyang naibalibag pabalik sa kanyang kama.


"Alam mo ba kung ano ang gampanin ng pinakabatang Fermossel?" Nakakalokong tanong ko sa kanya.


Dahan-dahan siyang umatras sa akin. Takot na takot at hindi alam kung saan hahawak.


"Hindi ka parte ng gobyerno pero ang pamilyang kinabibilangan mo ay may malaking kontribusyon dito." I stated.

"Mas masakit. Mas malupit. Mas mahirap. Mas hindi makatao ang matatanggap na parusa kapag may miyembro ng pamilya na sumuway sa batas na nakasulat. Kahit na hindi ka kabilang sa gobyerno, may dugo kang nananalaytay galing sa ama mo." I laughed again.


Binato ako ni Phiel ng unan. Humalakhak ako doon. Natatakot ka? Natatakot ka talaga?


"Alam mo ba ang mas masakit doon?" Pang-aasar ko pa.

"Kapag may ginawa ka ay hindi lang ikaw ang mapaparusahan. Pati si papa."

"No!!!" Malakas niyang sigaw sa buong silid.

"Mazikeen!" Biglang pasok ng aking ama sa kwarto.


Israphiel is shaking. Sobrang takot ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Si papa ay galit at nagtatanong kung ano naman ang aking ginawa.


"Hindi pa tayo tapos mag-usap. Kuya naman eh." I laughed.

"Anong ginawa mo sa kapatid mo!" Papa roared.

Curse of the WindWhere stories live. Discover now