Kabanata 19

16 5 0
                                    

Kabanata 19
Lost


Hindi ko rin maiwasan ang magmasid sa labas ng bahay pagkatapos ng usapan naming iyon kahapon.

Maganda ang plano. Hihintayin namin kung kailan kayo susugod at papaunlakan ng pamilya ko ang imbetasyon. Simple.

I killed two birds using one stone yesterday. Nalaman ko kung ano ang nangyare at halos naging pamilyar ako sa kwarto ni papa. Medyo hindi ako sigurado kung nasa kwarto ba niya ang hinahanap ko kaya uunti-untiin ko muna.

"Good morning!"

"Hi."

"You should smile more."

Nangunot ang noo ko sa mga kaklase kong lalake sa bati nila. What did I do? Pinalitan ko rin ng ngiti agad ang nakaplastar sa mukha ko kaya naghiyawan sila.

Ramdam ko naman ang talim ng tingin ng mga babae sa akin. Akala ko ay tapos na ako sa ganito. Iyon bang kakainisan ako dahil ako ang gusto ng mga lalake at hindi sila. Hindi pa rin pala.

Hindi ko kasalanan na pangit ka. Kaya huwag mong isisi sa akin ang pagiging maganda.

"Hey, yung kasama mo kahapon, do you know him?" Tanong sa akin ni Rico. So you like my brother? Too bad. Ayoko sa 'yo.

Hindi ko siya sinagot. Nagsisipol naman ang mga kaklase ko. Inaasar siya. Hindi naman required na sumagot kapag tinanong hindi ba? Hindi ka naman importante.

"Tinatanong kita." Aniya pa at umupo sa aking lamesa. Nainis ako doon. Inupuan niya ang syllabus ko.

"Alis." Sabi ko. Nasa amin nanaman ang mga mata ng buong klase. She like this attention. Ako, ayoko. Mas gusto kong hindi nalang ako pinapansin.

"Sagutin mo ang tanong ko." Sabi niya pa at pinagkrus ang mga braso.

"Hindi ka aalis?" Ngumisi ako at ngumisi din siya.

"Hindi." Pang-asar niya sa akin.

Okay.

Itinaas ko ang ilalim ng mesa gamit ang kamay na hindi masakit. Agad siyang nahulog sa pag-kakaupo at nagmukha siyang nabalian sa posisyon niya sa lapag.

Malakas ang tawanan ng buong klase. Tinulungan siya ng ibang babae at inaalis niya ang kamay ng mga ito. Iritang-irita siya ngayon.

Ako rin irita. Tapatan mo ang inis ko dali.

"Sino ka para gawain sa 'kin iyon?!" Sigaw niya at nagakmang sasampalin ako pero sinipa ko na siya sa puson dahilan para matumba ulit siya. Punyeta ka.

Ayoko ng hinahawakan ako.

Tumawa ulit ang mga kaklase ko. Tinulungan na siya ng mga babae pero pinapaalis niya ito. May nakalmot pa siyang isa at kinalmot din siya pabalik. Sila na ngayon ang nag-aaway.

Inayos ko ang nalukot na syllabus. Sipain pa kita diyan ulit makita mo.

"Girls? What are you doing?!" Sigaw ng bagong dating na gurong maliit na puno ng balahibo.

Mabilis na huminto ang mga babaeng nag-aaway. Sinamaan nila ako ng tingin at tinabingi ko naman ang ulo para tanungin sila kung ano ang ginawa ko.

Ako pa nagsabi na magkalmutan kayo? Hindi naman ah?

Inayos nila ang mga damit at buhok. May isa pang halos umiyak dahil nabali daw ang kuko niyang kasing haba ng hinliliit niya.

"Go to the library. Ang mga nag-away ay pumunta sa detention! Parang hindi mga babae!" Sigaw niya. Tumayo ako at sumabay sa mga kaklase ko pero may hirit pa talaga sila.

Curse of the WindWhere stories live. Discover now